45th Chapter "Langit"

5.5K 188 7
                                        

LUCAS' POV

*poke*

*poke*

*poke*

*mulat ng mata*

Wow may anghel. Pero bakit kaya sinusundot-sundot nung anghel yung mukha ko? Nasa langit na ba ako?

Tumingin ako sa paligid. Mali pala, nasa kama lang pala ako.

"Goodmorning Lucas!" ngiting-ngiti na bati sa akin nung anghel..este ni Megan pala. Lalo  tuloy akong na-iinlove sa mga ngiti nya, para talaga syang anghel.

Hay, alam kong umaga palang at nag-uumpisa palang ang araw ko, pero pakiramdam ko agad ay buo at kompleto na ang araw ko.

Ang ganda talaga ng asawa ko...este girlfriend pala. Masyado yatang advance ang utak ko.

"You're better than the morning." sabi ko sabay kindat.

"Ang aga-aga, bumabanat ka na!" namumulang sabi nya, ang cute tuloy nya.

"Haha bakit mo nga pala ako ginising? Atsaka bakit ka nandito sa kwarto ko?" tanong ko sa pinaka mamahal ko.

"Pinuntahan ako ni ate Ally sa bahay kasi wala pa daw gising sa inyo dito kundi si kuya Jazi lang. Eh ayaw naman nyang kausap si kuya Jazi! Kaya ayun, sinamahan ko sya dito at naisipan ko na ding manggising. Pero sobrang hirap gisingin ni bi! Tapos si kuya Trion naman ay nakalock ang pinto! Kaya ikaw nalang ang pinuntahan ko since nakita kong bukas na bukas 'tong kwarto mo atsaka hindi ka naman mahirap gisingin tulad ni bi!" haha mahirap talagang gisingin yung si Princess, tapos kapag naman nagtagumpay kang gisingin sya pero nabadtrip naman sya ng dahil sa panggigising mo, humanda ka na sa World War III.

Si kuya Trion naman, kasama pa kaya nya sa kwarto si ate Xena? O umuwi na si ate Xena? Kasi kung magkasama parin sila hanggang ngayon, ALAM NA.

Kawawa naman si kuya Jazi, ayaw daw syang kausap ni ate Ally. Pahuli-huli talaga itong si kuya! Huli na ng maramdaman nya na gusto din pala nya si ate Ally. Bumaliktad naman ngayon ang sitwasyon, kung dati ay si ate Ally ang naghahabol kay kuya Jazi, ngayon si kuya Jazi naman ang naghahabol kay ate Ally. Pero bakit kaya nandito si ate Ally?

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon