52nd Chapter "The Evanzado Siblings"

5.3K 160 16
                                        

GELO's POV

"Hi ate!" masayang bati ko sa ate ko pagdating ko sa bahay.

"Anong hi ate ka dyan?! Na hi-high blood ako sayong bata ka eh! Halika nga dito at mag-usap tayo!" waaaah! Anong kasalanan ko?! Tumigil na nga ako sa pagchi-chicks.

"Ate, hindi na ako nagchichicks."sabi ko pero tinignan ako ng masama ni ate.

"Lalapit ka ba dito o sisirain ko yang kinabukasan mo?" agad naman akong lumapit kay ate. Yung kinabukasan ko. Baka kung ano ang gawin nya sa junior ko.

"Tara. Sa kwarto ko." ma-awtoridad na sabi ni ate tapos ay lumakad na sya patungo sa kwarto nya.

Natulala ako at nanatiling nakatayo habang pinagmamasdan si ate na naglalakad. Napansin ni ate na walang sumusunod sa kanya kaya tumigil sya at humarap sa akin.

"Anong tinatayo-tayo mo dyan Gelo? Ang sabi ko, tara sa kwarto!" masungit na sabi ni ate habang nakapamaywang pa.

"Ate, hindi ko akalain na.." sabi ko sabay takip ng kamay sa katawan ko.

"Huh?" kunot-noong sabi ni ate.

"Wag ate. Magkapatid tayo." hindi ko akalain na nabihag ng kagwapuhan ko ang sarili kong kapatid. Hindi ko akalain na may plano si ate na rapin ako.

"Ano ba ang pinagsasasabi mo dyan Gelo?!" galit na saad ni ate.

"A-ate wag mo akong rapin. Kapatid mo ako ate. Atsaka magkakasala ka nyan sa syota mo. Kaya wag ate, wag." natatakot na sabi ko habang tinatakpan ko ang katawan ko.

Lumapit sa akin si ate tapos...

"Aray!!!! Bakit mo yun ginawa ate?! Ang kinabukasan kooo!!!" nagtatatalon ako habang hawak-hawak ng dalawang kamay ko yung mahiwagang ano ko dahiltinuhod ni ate ng malakas ang kinabukasan ko! Si junior ko! Huhuhu sobrang sakit.

"Kilabutan ka nga dyan sa mga pinag-iiisip mo Gelo! Ang ibig sabihin ko, doon tayo sa kwarto ko mag-uusap! Ugh! Pinapainit mo talaga ang ulo ko bata ka!" tapos hinila nanaman ni ate yung tenga ko para sumunod na ako sa kwarto nya. Huhuhu bakit ba ako nagkaroon ng napakabrutal na ate?

Pagkadating namin sa kwarto ay itinulak ako ni ate ng malakas sa kama dahilan na mapahiga ako pagkatapos naman ay nilock nya yung pinto.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon