34th Chapter "Sorry"

5.4K 232 14
                                        

JAZI's POV

Hindi ako mapalagay simula noong sinampal at nagalit sa akin si Ally. Pakiramdam ko ay nakulangan ako sa hindi malamang dahilan. Diba ito naman yung gusto ko? Yung tigilan na ako ni Ally? Pero bakit ngayon ay ayaw ko yung gusto ko? Aish! Ang gulo!

Nakokonsensya ako kasi nakapagbitaw ako kay Ally ng mga masasakit na salita. Nakokonsensya ako dahil nasaktan ko sya. Hindi ko na kasi napigilan yung sarili ko dahil sinisiraan nya si Charm. Wala namang ginagawa sa kanya si Charm pero nagagawa nya itong siraan.

Atsaka may isang bagay pa akong hindi maintindihan. Simula noong naging kami ni Charm ay hindi ako nakaramdam ng saya, kaya nga hindi ko muna sinabi sa mga kapatid ko. Atsaka pakiramdam ko, may mali. Mahal ko si Charm pero hindi na kagaya ng pagmamahal ko sa kanya noon.

Para sa ikakapalagay ng kalooban ko ay nagdesisyon akong puntahan si Ally sa bahay nila. Ayokong may taong masama ang loob sa akin.

Nandito na ako sa tapat ng bahay nila. Nag-aalangan pa yung kamay ko na pindutin ang doorbell nila pero hindi nagtagal at napindot ko din.

Sakto naman na si Ally yung nagbukas ng gate nila. Halatang nagulat sya dahil siguradong hindi nya inaasahan na ako yung makikita nya.

"Psh. Akala ko si Jasper." malamig na sabi nya. Teka, sinong Jasper? Atsaka bakit ba ako nakaramdam ng inis nang banggitin nya ang isang pangalan ng lalaki?

Pagsasaraduhan na sana ako ni Ally pero pinigilan ko sya.

"Ally, saglit lang." natigilan sya tapos nagcross arms at tinitigan ako ng malamig. Hindi ako sanay na ganito sa akin si Ally. Talaga nga bang hindi na nya ako gugustuhin? Tsk! Diba ito naman yung gusto ko?!

"Bakit ka nandito?" malamig na tanong nya sa akin.

"H-ha? Ano.. H-hindi ko alam." mali! Bakit yan yung isinagot ko?! Nandito ako para mag-sorry sa kanya. Kumunot tuloy yung noo nya sa isinagot ko.

"Hindi mo alam? Nababaliw ka ba Jazi? Pupunta-punta ka dito tapos hindi mo alam kung bakit ka pumunta dito!" hindi ako sanay na tinatarayan ako ni Ally. Nagsisisi na ako sa ginawa ko sa kanya.

Tatalikuran na sana ako ni Ally pero hinawakan ko yung braso nya para pigilan sya pero marahas lang nyang tinabig yung kamay ko.

"Wag mo nga akong hawakan! Atsaka umalis ka na!" pagtataboy nya sa akin. Nasasaktan ako dahil ipinagtatabuyan nya ako. Pero bakit ako nasasaktan? Diba ginusto ko naman na lumayo ang loob sa akin ni Ally?

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon