LUCAS' POV
Haist! Masyado akong gwapo para mapag-isa. Paano ba naman kasi? Ayaw ko doon sa bahay, magtatalo nanaman kasi kami ni kuya Trion. Nakakasawa na!
Tapos niyayaya ko si Megan na samahan ako sa paglalakad pero may gagawin daw sya. Humanda sya sa akin mamayang gabi! Pupuntahan ko sya sa bahay nya at hindi ko sya patutulugin! Magdamag kaming magbobonding! Wag greenminded! Iba ang ibig sabihin ko.
Kaya ito tuloy ako naglalakad-lakad mag-isa sa isang park na malapit sa bahay namin. Maya-maya ay may lumapit sa akin na babae.
"Kuya, ang gwapo mo naman! Pahingi naman ng number mo." psh ang gandang babae pero malandi. Nilampasan ko nalang yung babae. I don't entertain girls anymore except lang sa kapatid kong si Princess at sa mahal kong si Megan.
"Suplado mo naman! Parang hinihingi lang yung number eh!" inis na sigaw nung babae. Ang kapal naman ng babaeng yun at sya pa itong may ganang maiinis. Nagpatuloy nalang ako sa paglakad at hindi na pinansin yung babae.
Bigla naman nya akong hinarangan. Tsk! Hindi ba nya ako titigilan?! Ang hirap naman kasing maging gwapo!
"Hoy ano ba?! Ibibigay mo ba yung number mo o hindi?!" sya na nga itong nanghihingi, sya pa 'tong galit. Tss.
"Hindi." tipid na sagot ko tapos nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
"Hmp! Ang damot! Akala mo kung sinong gwapo! Ang pangit-pangit naman!" salamat naman at umalis na sya. Bigla naman akong natawa doon sa sinabi ng babae. Eh diba nga kaya nya gustong kunin yung number ko ay dahil nagwagwapuhan sya sa akin? Tapos bigla nya akong sasabihan na pangit? Tsk tsk tsk.
"Waa! Ang cute naman nung lalaki!"
"Oo nga! Tara lapitan natin!"
Tumakbo nalang ako matapos ko yun marinig. Ang hirap naman magkaroon ng ganitong mukha! Minsan ko na nga lang 'to gawin, hindi ko pa ma-enjoy.
Para akong artista, kahit saan ako magpunta ay may pumapansin sa akin kahit hindi ko naman sila kilala. Paano nalang kaya kung naging artista pa ako? Edi mas lalong malala. Kaya mas gugustuhin ko nalang na mabuhay sa normal na paraan.
Pagod na pagod ako sa pagtakbo. Dapat pala hindi nalang ako pumunta dito. Hindi naman kasi ako ganito dati eh. Isa akong bad boy na kung saan ay ginawa ko nang collection ang mga babae na halos lahat ng makasalubong kong babae ay napapabilang sa aking Girlfriend List, pero syempre dati yun at hindi na ngayon. Good boy na ako.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...