Comment naman kayo dun sa Previous Chap. Hoho :3
ICY's POV
"Ano Silver, bati na ba kayo ni Vester?" hindi ko alam kung pang-ilang tanong ko na 'to kay Silver. Tinanong ko 'to kasi nga diba nakita namin sya ni Megan kanina na kasama si Vester.
"Uy Silver! Sumagot ka naman dyan!" paano ba naman kasi? Hindi nya sinasagot yung tanong ko, parang simpleng oo o hindi lang, hindi pa nya masabi. Seryoso lang syang nag-dridrive, hindi pa nya ako masyadong kinakausap.
Tumigil na yung sasakyan nya at nakita kong nasa tapat na kami ngayon ng bahay ko. Pero imbis na bumaba ako ay nag-cross arms ako at itinuon ang tingin sa harapan. Naramdaman kong nakatingin na sya sa akin ngayon, siguro nagtataka sya kung bakit hindi pa ako bumababa.
"Hindi ako bababa hangga't hindi mo pa sinasagot yung tanong ko." nakasimangot na sabi ko tapos humarap ulit ako sa kanya.
"Nagkaayos na ba kayo ni Vester?" tanong ko ulit pero wala parin akong sagot na natatanggap.
"Nagkaayos na ba kayo ng kapatid mo?" sa tanong ko na 'to ay napansin kong biglang nagtubig yung mga mata nya. Naiiyak ba sya sa tanong ko? Atsaka, ano namang nakakaiyak sa tanong ko? Hay nako Silver, ewan...
Tumingala si Silver para mapigilan nya ang pagtulo ng luha nya. Sa nakikita ko ngayon ay parang nawala na yung galit nya kay Vester, hindi ako sigurado kung nawala na nga yung galit nya, sa tingin ko lang naman.
"Icy.." tawag sa akin ni Silver. Sasagutin nya na kaya yung tanong ko?
"Oh?" sabi ko nalang.
"Y-yung mga kuya mo, mahal na mahal ka nila diba?" tanong ni Silver.
"Oo naman, at mahal na mahal ko din sila." mahal na mahal ko talaga yung tatlo kong kuya kahit na minsan ay ang lalakas ng trip atsaka ang lalakas pang mang-asar. Na kahit madalas ko silang sinasapak atsaka paminsan-minsan lang ako maging sweet sa kanila, mahal na mahal ko talaga ang mga yun. Yung pananapak ko sa kanila, sabihin nalang natin na ganun ko sila lambingin. I really can't imagine my life without my brothers.
"Kung halimbawa lang na hindi ka mahal ng mga kuya mo tapos hindi ka nila tunuturing na kadugo, mamahalin mo parin ba sila?" tanong pa nya.
"Oo naman. Kung halimbawa na ganun nga sila sa akin, mamahalin ko parin sila, kasi kapatid ko sila. Atsaka Silver, isang mababaw na dahilan lamang ang hindi mahalin ang isang tao ng dahil lang sa hindi ka mahal nito."napatango-tango sya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...