MEGAN's POV
"Meganphone.."
"ANO NANAMAN?!" nakakainis na ang patong 'to ha. Kanina pang sunod ng sunod sa akin. Hindi naman masabi kung ano ba talaga ang gusto nya.
"A-ano... S-sige mamaya nalang." sagot nya sabay alis.
Tingnan nyo ang lalaking yon! Tingnan nyo! Tingnan nyo! Sinong hindi maiinis sa kanya ha?! Sino?!!
Binalatan ko nalang yung mangga na hawak ko at kinain. Mas mabuti pa kung idadaan ko nalang sa pagkain yung inis ko kay Duck Lucas.
Napatingin ako doon sa basket na pinagkukunan ko ng mangga at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nangalahati na yung mga mangga na laman nung basket! Huhu isa lang naman ang plano kong kainin eh. Hindi ko na pala namalayang ang dami ko na palang nakain. Huhuhu kasalanan 'to ng Duck Lucas na yun eh! Iniinis nya ako!
Binili pa naman ni kuya Trion ang mga mangga na yun para kay ate Xena tapos inubos ko lang yung kalahati. Huhu lagot ako.
Di bale, magsosorry nalang ako mamaya tsaka papalitan ko nalang yung mga nakain kong mangga. Huhu nahihiya na tuloy ako.
Tumayo na ako at kinuha yung mga buto at mga pinagbalatan ng mangga at itinapon ang mga ito sa basurahan. Pagkatapos ay lumakad na ako papalabas dito sa kusina.
"WAAAAAH!" napasigaw ako nang may makita ako sa tabi ng pinto ng kusina.
"DUCK NAMAN EH! GINUGULAT MO AKO!" nakakainis talaga itong si Duck Lucas. Ano bang ginagawa nya dyan sa tabi ng pinto?!
"Akala ko tuloy may multo.." tinakpan ko ng dalawang kamay ang mukha ko at umiyak. Problema ko na nga yung mga mangga ni ate Xena tapos gugulatin at tatakutin pa ako ni Lucas.
"Hindi kita ginugu------O-oy Meganphone, bakit ka umiiyak?" naramdaman kong hinawakan nya ako sa magkabilang balikat pero ginalaw ko ng ginalaw yung mga balikat ko para alisin nya yung mga kamay nya.
"Bakit mo ba ako ginaganito, Lucas? Hindi mo na ba ako mahal?" siguro ginagawa nya 'to para makipag-break na ako sa kanya. Eh hindi ko naman yun kayang gawin kasi mahal ko sya.
"A-anong ginaganito? Wala naman akong ginagawa sayo Megan ah." huhuhu anong wala?!
"Anong wala?! Kanina mo pa akong iniinis tapos ngayon, ginulat at tinakot mo pa ako!" bigla naman akong niyakap ni Lucas. Nakakainis talaga 'to! Hindi ko sya maintindihan.
"Meganphone ko, sorry kung nainis, nagulat, at natakot kita. Hindi ko naman yun sinasadya eh. Sunod ako ng sunod sayo kasi may gusto akong ibigay pero hindi ko naman alam kung paano ko ibibigay sayo." natigilan ako sa pag-iyak ng dahil sa sinabi ni Lucas.
"A-ano ba yung ibibigay mo?" tanong ko. Tinanggal nya yung pagkakayakap nya sa akin pagkatapos ay nakita kong ipinasok nya yung isang kamay nya doon sa isang bulsa nya.
Lumingon-lingon si Lucas na para bang chine-check kung may tao ba sa paligid pagkatapos ay inilabas na nya yung kamay nyang nasa bulsa na wala namang hawak na kahit ano. Pinaglololoko ba ako nito?
"Ah ano... Pwedeng pumunta nalang tayo sa kwarto ko tapos doon ko nalang ibibigay?" mukha naman syang hindi nanloloko kaya pumayag nalang ako..
°°°°°
"P-pregnancy test? Aanhin ko dyan, Lucas?" kinakabahan na tanong ko.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomansaSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...