77th Chapter "The Real Her"

3.9K 152 20
                                        

SILVER's POV

"Icy, hindi ako makakapunta dyan ngayon. I'm sorry." sabi ko kay Icy habang kausap ko sya sa phone.


[Bakit naman?] halata sa boses ni Icy ang pagkadismaya. Tsk.


"N-nawawala kasi si Sanver kaya kailangan kong hanapin." napahigpit ang hawak ng isang kamay ko sa manibela ng dahil sa galit.


Humanda lang sa akin yung sinumang kumuha sa anak ko.


[Huh?! K-kailan pa?!] gulat na tanong ni Icy.


"Kaninang umaga lang. Kung saan-saan na nga namin hinanap sa bahay pero wala talaga." imposible naman na lumabas si Sanver mag-isa sa bahay dahil hindi naman nya yun gawain at takot syang mapag-isa ng dahil sa nanay nyang walang kwenta.


[Hindi kaya... Kinuha sya nung..nung nanay nya?]


"Ganyan nga din ang iniisip ko Icy eh. Kaya nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ng babaeng 'yun." tinignan ko ng masama yung bahay ng walang kwentang nagluwal sa anak ko.


[Sige, unahin mo muna si Sanver. Sasabihin ko nalang kina mommy na hindi ka makakapunta.] nakakahiya tuloy sa mommy ni Icy atsaka kila kuya Trion dahil hindi ako makakapunta doon ngayon. Alam na kasi nila ang tungkol sa aming dalawa ni Icy kaya gusto nila na pumunta ako doon at makilala daw bilang boyfriend ni Icy.


Gustuhin ko man na pumunta kina Icy, hindi ko magawa. Kailangan kong unahin si Sanver.


"Thanks for understanding, Icy. I love you, BabyLoves."


[I love you too..]


"Naks naman kuya! Ang tamis nun ah!" sabi ni Vester nang matapos ang pag-uusap namin ni Icy. Nakaupo sya sa passenger seat at nakangising nakatingin sa akin pagkatapos ay tinulak-tulak pa nya ako kaya sinamaan ko sya ng tingin.


Nakukuha pa nyang gumanyan eh nawawala na nga ang anak ko.


Inalis ko nalang ang tingin ko kay Vester at bumaba sa kotse. Dumiretso ako doon sa bahay nung walang kwentang babae.


Hindi ko na kinailangang kumatok dahil saktong bumukas yung pinto at nakita ko sya.


"Silver?!" nagulat sya nang makita ako.


"A-anong ginagawa mo dito?"


Sa tanong nya na yun ay agad ko na syang hinawakan ng mahigpit sa magkabilang braso at matalim na tinignan.


"N-nasasaktan ako." daing nya pero wala akong pakialam. Mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko sa kanya.


"Ilabas mo si Sanver." matigas na sabi ko habang hawak ko parin sya.


[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon