80th Chapter "A Show"

3.5K 138 4
                                        

SILVER's POV

Sinuntok ko ng malakas yung napakalaking gate ng mga Elvenos hanggang sa dumugo ang kamay ko.


"VESTERIO ELVENOS! ILABAS MO ANG ANAK KO!" malakas na sigaw ko pagkatapos ay sinipa ko ng malakas ang napakalaking gate nila.


Hindi ko alam kung ilang araw na akong pabalik-balik dito sa bahay ng mga Elvenos. Basta ang alam ko, nandito ang anak kong si Sanver.


Inilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa at sinubukan ulit tawagan si Vester pero hindi ko parin sya ma-contact.


Sa sobrang inis ko, naibato ko sa malayo yung cellphone ko at nakita kong nawasak ito.


WALANG KWENTA.


"KUNG GALIT KA SA AKIN, WAG MONG IDADAMAY ANG ANAK KO!" sigaw ko ulit.


Isinandal ko nalang ang sarili ko sa dambulahang gate nila hanggang sa mapaupo nalang ako sa lapag.


Nakakapagod...


Pero hindi ako susuko.


Hindi lang ako kay Sanver nag-aalala, pati rin sa kapatid kong si Vester. Ikinulong sya ng sarili nyang ama.


-FLASHBACK-

"Dad.." seryosong tawag ni Vester sa ama nya nang makapasok kaming dalawa dito sa opisina ni Vesterio Elvenos.


Inikot ni Vesterio Elvenos ang nakatalikod na swivel chair na inuupuan nya at nakangiting humarap sa amin.


"It's so nice to see you here, my son." bati nya kay Vester.


Mga ngiti pala nya... Nakakapang-init na ng dugo.


"So... You're with your brother huh.." nakangiting tumingin sa akin si Vesterio Elvenos kaya lalo akong nainis.


"It's not so nice to see you here, Silvero's son." biglang sumeryoso ang mukha nya pero mayamaya ay ngumiti nanaman sya.


Nasisiraan ka na Vesterio..


"Looking for someone?" tanong nya sa akin at parang nang-aasar pa ang mga tingin nya.


"Kinuha mo ang anak ko?" matigas at nagpipigil ng galit na tanong ko kay Vesterio. Nakakuyom ang mga kamao ko sa sobrang galit na nararamdaman ko.


Tumango-tango sya. So ibig sabihin, nasa kanya nga si Sanver?!


"IBALIK MO SYA SA AKIN!" sigaw ko at susugudin ko na sana si Vesterio pero hinawakan ako ni Vester para pigilan akong makalapit sa ama nya.


"Vester, anong ginagawa mo? Hayaan mo nga ako!" naiinis na bulong ko kay Vester.


"Kuya, hindi kita pwedeng hayaan. Hindi mo alam ang pwedeng magawa sayo ni dad." bulong naman ni Vester. Pero langya! Wala akong pakialam!


"Tsk tsk tsk.." parehas kaming napatingin ni Vester kay Vesterio na ngayon ay pailing-iling at palakad-lakad.


"Totoo ngang may anak ka na. You're too young to be a father, Silver." lumakad papalapit sa akin si Vesterio. Seryoso syang nakatingin sa akin at kung nakakamatay lang ang mga tingin nya, siguradong sugatan na ako dito.


[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon