GELO's POV
"Princess! Paano mo ito nagagawa sa pinakagwapo mong kapatid?!" pagdradrama ni Lucas habang tuluyan naman syang iniwan ni Princess dito.
"Lucas.." seryosong tawag ko sa loko.
Lumaingon naman sya sa akin.
"Oh ano nanamang ginagawa mo dito?!"
"Wala. Aalis na rin ako. May gusto lang akong itanong sayo." nakatungong sabi ko. Langya nasasaktan ako. Pakiramdam ko maiiyak na ako sa sobrang sakit.
"Ano naman yung gusto mong itanong? Pero teka, bakit parang malungkot ka?" sinisilip ni Lucas yung mukha ko pero umiiwas ako. Tsk pakiramdam ko basa na yung mga mata ko.
"Pffft... Oy Gelo, bakit ka umiiyak ha? Hahaha." lokong 'to. Pagtawanan ba naman ako.
"Wag ka ngang tumawa dyan. Malungkot na nga yung tao, pagtatawanan mo pa." sabi ko habang pahid ng pahid sa mga mata kong basa.
"Pfft... Eh bakit ka nga ba malungkot?" tanong nya habang nagpipigil ng tawa. Langyang lokong 'to.
Hindi ko nalang sya sinagot. Ang sakit eh. Unang beses kong masaktan.
Wala eh. Si Princess lang talaga yung nakapagpatibok ng puso ko, tapos ganun pa yung nakita ko kanina. Sobrang sakit.
"Uy brad, seryoso na talaga. Para kang namatayan eh. Anong problema?" sumeryoso na si Lucas.
Tumalikod ako sa kanya at umupo sa gilid ng kalsada. Sumunod naman sya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Yung lalaki kanina, ano sya ni Princess?" tanong ko kay Lucas.
"Ahh yung kahalikan ng kapatid ko? Ano sa tingin mo?" nang-aasar ba 'to? Talagang sinabi pang kahalikan ng kapatid nya. Eh kung ipapatay ko kaya si Barney? Tsk.
"Lucas, alam mo naman na may gusto ako sa kapatid mong si Princess. Nang-aasar ka ba? Bakit hindi mo nalang sagutin yung tinatanong ko?" seryoso ako ditong nakikipag-usap kaso loko-loko naman yung kinakausap ko. Hay.
"Boyfriend ni Princess." sa sagot na yun ni Lucas, tumayo na ako para umalis. Grabe hindi ko na kaya.
"S-sige, alis na ako." sobrang bigat sa dibdib. Hindi ko matanggap.
Naisip ko na sana hindi ko nalang pala tinanong si Lucas dahil mas lalo lang bumigat ang nararamdaman ko.
Kitang-kita ko kanina si Princess kung paano sya ngumiti doon sa lalaki na nagngangalang Silver. Syempre kilala ko ang lalaking yun dahil alam kong karibal ko sya.
How I wished na ngitian din ako ni Princess ng ganun. Wala na yatang mas gaganda pa sa mga ngiti ni Princess.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)