HAPPY EASTER EVERYONE!!!
At dahil dyan, here's mah update.
ICY's POV
Two months. Two months na ang nakakaraan mula noong naghiwalay sina kuya Trion at ate Xena. Nakakalungkot na isipin na may mga nagbago. Si kuya Trion, naging cold na sya, hindi ko na sya nakikitang ngumiti at tumawa, laging seryoso yung mukha nya, hindi na din sya nakikipagkulitan sa amin nina kuya Jazi at kuya Lucas. Minsan nga niyaya namin sya nina kuya Jazi at kuya Lucas na maglaro ng basketball pero tinanggihan lang kami ni kuya Trion, dati nga kahit napakarami nyang ginagawa ay hindi nya kami magawang tanggihan. Atsaka laging sinasabi ni kuya Trion na okay lang daw sya kahit na halata naming hindi talaga sya okay, lagi kasing mugto yung mga mata nya kaya alam kong lagi pa ring umiiyak si kuya. Si ate Xena naman, sobrang miss ko na sya, matagal ko na kasi syang hindi nakikita. Dati kasi nung sila pa ni kuya Trion lagi syang nandito. Tinuturi ko na kasing tunay na ate si ate Xena since ine-expect ko na magiging ate ko na talaga sya someday kapag kinasal na sila ni kuya Trion. Pero parang ngayon, malabo nang mangyari yun.
Sina mommy at daddy naman, wala parin dito, dahil nang matapos yung one month na vacation nila ay nag-cross country sila papunta ulit sa America, sabi kasi nila nagkaroon daw ng malaking problema yung business namin doon kaya kailangan nilang asikasuhin para maayos, pinabalik na din pala nina mommy at daddy yung mga maids namin. Kasabay na nilang umuwi yung mga parents ni Megan which is next year pa. Ang tagal pa bago mag-next year, sobra na namin silang namiss.
Tapos yung dalawang ewan na magkapatid naman na sina Silver at Vester, ganun parin, ang sarap paring pag-untugin. Pero biglang nag-iba yung pakikitungo ni Vester kay Silver simula nang malaman nya na nanliligaw din itong si Silver sa akin. (Ayaw ko talagang magpaligaw but they insist kaya wala akong magagawa. Kainis lang.) Kung makapagtinginan yang dalawang yan parang may namamagitang apoy na may kuryente sa mga mata nila. At dahil dyan, ang sarap lalo nilang pag-untugin.
Papalabas na ako ng bahay tapos nakita ko yung kotse ni Silver na naka-parking sa tapat ng bahay namin. Ano namang ginagawa nya dito? Diba dapat pumasok na sya sa school? Bakit sya nandito?
Nakita kong nakasandal si Silver sa kotse nya tapos nakapamulsa at naka-headset habang nakapikit pa.
Pumunta naman ako sa harapan nya at nag-cross arms.
Naramdaman naman nya na may tao na sa kanyang harapan kaya dumilat sya at inalis sa kanyang tenga yung headset tapos nilagay ito sa leeg nya.
"Icy, tara na. Sumakay ka na." sabi ni Silver.
"At bakit naman ako sasakay dyan sa kotse mo? Atsaka saan mo ko dadalhin?" taas kilay na tanong ko habang naka-cross arms parin.
"Tsk! sinusundo kita. Magmula ngayon, sabay na tayong papasok sa school."
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomansaSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)