81st Chapter "30 Seconds... Game Over"

4.2K 152 6
                                    

VESTER's POV


"Hey couz'! I'm so glad that you came." nakangiti akong sinalubong ni Carmella. Ngumiti din ako at lumapit sa kanya para bigyan sya ng halik sa pisngi.


"My beautiful couz', meet Silver, my half-brother." tumingin si Carmella sa banda likuran ko kung saan nakasunod sa akin si kuya.


"No need to introduce him, Vester. Coz' I already met and know him. Right, Silver?" nakangiting sabi ni Carmella. Sumulyap ako kay kuya at nakita kong nanatili lang blanko ang kanyang expression.


Nakangiti ko ulit tinignan si Carmella.


"Really? Well, that's good!" sabi ko.


Habang naiisip ko ang mga pwedeng mangyari mamaya... Napapangiti ako.


Na-eexcite ako.


Hindi na ako makapaghintay.


I am Vester Ryan Elvenos and I can do whatever I want.


°°°°°


"Bakit kasama si Megan?" inis na bulong ko kay Carmella pero nginitian lang nya ako.


Tsk! Wag nyang sabihing idadamay nya si Megan?!


Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.


Wala pala akong dapat ipag-alala.


"Vester.." tumigil sa harapan ko si Megan habang nakahawak sa magkabilang braso nya yung dalawang tauhan ni Carmella.


"V-Vester, tulungan mo ako... Tulungan mo kami.." umiiyak na pagmamakaawa ni Megan.


Tinitigan ko lang sya at pinilit na wag maglabas ng kahit anong emosyon.


"Vester, please..." pagmamakaawa pa ni Megan.


Inalis ko ang mga tingin ko kay Megan at inilipat doon sa dalawang tauhan ni Carmella na nakahawak sa kanya.


"Dalhin nyo na yan." utos ko.


Pinagmasdan ko nalang si Megan habang dinadala na sya papunta doon sa electric chair.


Nakita ko din na nakasunod ang pamilya Montrey kay Megan.


"Icy!" sigaw ni kuya nang makita nya si Icy.


"Icy gumising ka! Tang*na! Anong ginawa nyo sa kanya?!" umiiyak na si kuya. Tumingin ako kay Icy at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.


Hindi ko masabi kung may buhay pa o wala ng buhay ang katawan ni Icy. Buhat-buhat ng dalawang lalaki si Icy habang dinadala sya paakyat doon sa upuan na nakakabit sa tuktok ng isang bukas na transparent water tank na punong-puno ng tubig.


Sinikmuraan ng isa pang lalaki si kuya nang magtangka syang lapitan si Icy kaya bumaksak nalang sya sa sahig. Tinitigan ko lang si kuya habang namimilipit sa sakit pero hindi ko sya tinulungan.


"Vester.." napatingin muli ako kay Megan at nakita kong punong-puno ng pagmamakaawa ang mga mata nya.


"Bakit nakatayo ka lang dyan at nakatingin sa amin? Wala ka bang balak na tulungan kami?" nakapamulsa kong nilapitan si Megan pagkatapos ay nag-squat ako sa harapan nya para makita nya ako ng mabuti.


"And why would I do that?" lalong umiyak si Megan ng dahil sa sinabi ko.


Sh*t! I don't want to see her cry.


[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon