27th Chapter "Dinner"

6.3K 224 8
                                        

ICY's POV

Nandito na ako ngayon sa bahay, eating dinner with my brothers. Katabi ko si kuya Trion tapos katapat ni kuya Trion si kuya Lucas habang ako naman ay katapat ko si kuya Jazi.

"Kuya Jazi!" binasag ni kuya Lucas ang katahimikan nang tawagin nya si kuya Jazi.

"*cough* *cough* *cough*" ayan tuloy, nabilaukan si kuya Jazi.

"Ano ba Lucas?! wag ka ngang manggulat!" inis na sabi ni kuya Jazi matapos nyang uminom ng tubig.

"Hindi naman ako nanggugulat, tinatawag lang naman kita." lungkot-lungkutang sabi ni kuya Lucas.

"Bakit ba?" tanong ni kuya Jazi tapos humarap sya kay kuya Lucas.

Si kuya Lucas naman ay tumingin kay kuya Jazi tapos ngumiti ng nakakaloko at itinaas-baba yung mga kilay nya.

"Ano kuya?" tanong ni kuya Lucas kay kuya Jazi.

"Anong ano?" kunot-noong tanong din ni kuya Jazi. Nagbago naman yung expression ng mukha ni kuya Lucas at kumunot din ang noo.

"Kuya, wala kang sasabihin sa amin?" tanong ni kuya Lucas na ngayon ay nakakunot-noong nakatingin kay kuya Jazi.

"Ano bang sasabihin ko?" uhm.. sa tingin ko meron nga dapat sabihin si kuya Jazi.

"Oo nga kuya, dapat may sabihin ka." sabi ko naman kay kuya Jazi. Lalo namang nangunot ang noo ni kuya Jazi.

"Kuya, si ate Charm." sabi ni kuya Lucas kay kuya Jazi.

"Oh tapos?" sabi naman ni kuya Jazi tapos sumubo sya ng pagkain.

"Ano...kayo na ba kuya?" nakangiti na ulit at nagtaas-baba nanaman ang mga kilay ni kuya Lucas.

Tumango lang si kuya Jazi habang ngumunguya.

"What?! kuya, kailan pa?" tanong ko. Nakakabigla naman itong si kuya Jazi. Kung hindi pa tatanungin, wala kaming malalaman.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon