16th Chapter "Here She Comes"

8.3K 320 13
                                        

ICY's POV

"Hi my beautiful Icy *wink*" pagkasara ko ng locker ko ay bumungad agad ang pagmumuka sa akin ng lalaking ito.

I just rolled my eyes and ignore him. Wala akong mapapala kung pagtutuunan ko pa sya ng pansin.

Hindi makakapasok ngayong araw si bi dahil may lagnat sya, kaya ayan tuloy, wala akong kasama ngayon.

Speaking of kasama, sino kayang pwedeng makasama ngayon? uhmn..think, think, think...

Ahh alam ko na! si Silver, pero nasaan na ba yung lalaking yun? hindi ko pa sya nakikita mula kaninang dumating ako dito sa school. Baka naman absent din kagaya ni bi? pero kung ganun nga, bakit kaya?

Saan kaya muna pwedeng pumunta habang naghihintay ng oras? mamaya pa kasi ang klase pero ang aga kong pumasok, tss..dapat pala mamaya pa ako pumasok.

Teka feeling ko ay may kanina pang sumusunod sa akin. Malingon nga.

"Will you please stop following me!" sabi ko dun sa sumusunod sa akin. Tama nga si Silver, ang kulit ng kapatid nya.

Nasaan na ba si Silver? sana naman pumasok sya.

Hindi ko na sya hinintay na magsalita dahil agad ko syang tinalikuran at naglakad palayo, pero pakiramdam ko parin ay patuloy pa rin sya sa pagsunod. I really have no time for that crazy man.

Naisipan ko nalang na pumunta sa field. Pagkadating ko dun ay may nakita akong puno kaya umupo muna ako sa ilalim nun. Pero mukhang hindi ako magtatagal dito dahil sinundan parin ako ni Vester at umupo din sya dito sa ilalim ng puno. Argrr!! nakakainis talaga sya.

"My beautiful Icy ang ganda ng view dito oh!" sabi ni Vester, napaka-feeling close naman nito!

"Oo maganda nga.." malumanay na sabi ko pero muli akong nagsalita.

"Pero hindi na ngayon! kaya aalis na ako! hmp!" pagsusungit ko tapos tumayo na ako at naglakad ulit palayo. Please lang Vester, tigilan mo ako.

"My beautiful Icy, saan ka nanaman ba pupunta? bakit ba layo ka nang layo sa akin?" at sinusundan nanaman nya ako. Hinarap ko sya.

"Saan ako pupunta? sa CR! wag mong sabihing susundan mo parin ako doon. Tsaka bakit ako layo nang layo sayo? simple lang, dahil ayaw ko sayo!" hindi ko na ulit sya hinintay na makapagsalita pa dahil tumakbo na ako palayo. Tumakbo nalang ako ng mabilis para hindi na sya makasunod pa.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon