19th Chapter "What's Happening?"

7.3K 291 9
                                        

ICY's POV

"S-silver?" nagtatakang sabi ko nang makita ko sya sa living room na nakaupo sa couch.

Seriously? sya yung sinasabi ng mga kuya ko na manliligaw ko daw? baka naman niloloko lang ako ng mga kuya ko, sinabing manliligaw ko, pero ang totoo nyan ay bumisita lang dito si Silver. Oo siguro ganun nga, ganun naman talaga. Talaga itong mga kuya ko oh! lagi nalang ako binibiro. Tsk tsk tsk.

Pero parin hindi eh! kung bumisita nga lang dito si Silver, bakit sya may dala-dalang flowers? bakit ayos na ayos yung porma nya?. Ahh baka naman trip lang ito ni Silver. Pero mukhang hindi parin eh!

So posibleng gusto nga nya ako ligawan?

Nang magtagpo na ang mga mata namin ay tumayo sya at lumapit sa akin habang dala-dala yung mga flowers.

"Para sayo, Icy." sabay abot sa akin ni Silver nung bulaklak na dala nya.

Hindi ko alam kung bakit yun tinanggap ng mga kamay ko. Usually kasi kapag may magbibigay sa akin ng mga ganyan ay tititigan ko lang tapos hindi ko tatanggapin. Pero bakit ngayon tinanggap ko ito?

"Ano 'to?" tanong ko.

"Bulaklak.." tss. Alam kong bulaklak 'to.

"H-hindi, I mean, ano 'tong ginagawa mo?" tanong ko ulit.

"Binibigyan ka ng bulaklak." seryosong sagot nya. Tss, wala naman yata akong matatanggap na matinong sagot dito eh! Alam ko naman sa mga kinikilos nya ngayon na nanliligaw nga sya atsaka sinabi na rin sa akin nila kuya diba? Eh ang gusto ko lang naman ay sa kanya mismo manggaling na liligawan nya ako. Pero bakit ba gusto kong sa kanya mismo manggaling? Tss.

"Ahh ganun ba? Sige, salamat nalang dito." tapos tinalikuran ko na si Silver at naglakad palayo. Pero teka, parang may mali dun sa sinabi ko, bakit pala ako nagpasalamat? Tss, mali ka naman Icy eh! dapat binalik mo itong bulaklak sa kanya bago ka tumalikod. Aishh! nevermind! basta aalis na ako dito. Didiretso nalang ako sa kwarto ko. Pero biglang humarang si Silver sa daan ko.

"Hey Icy, where are you going?"

"Its none of your business." malamig kong sabi tapos ipinagpatuloy ko na yung paglalakad ko pero hinarangan nya ulit ako.

"Icy naman eh, bakit ba ang sungit mo?" pagkatanong nya ay umalis saglit ako sa harapan nya para itabi muna yung bulaklak na hawak ko tapos bumalik ulit ako sa harapan nya at nagpameywang.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon