SILVER's POV
Mysterious. A word can also describe me.
Sa murang edad kong 'to, sobrang dami ko nang pinagdaanan. Buong buhay ko, halos ako ang nagdedesisyon para sa sarili ko. May mga desisyong tama, pero karamihan ay MALI.
I have so many options, but why do I always choose the wrong option? An option that turns me into a wrong way and a way that leads me in facing such responsibilities.
"Kuya? Umiiyak ka?" biglang dumating dito si Vester at tinabihan ako dito sa damuhan.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Agad ko namang pinahid ang mga luha ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Napansin ko kasing hindi na kayo nagpapansinan ni Icy atsaka parang may mabigat kang problema. Kaya kaninang lumabas ka sa school, sinundan kita." sagot sa akin ni Vester. Nandito ako ngayon sa lugar na madalas kong puntahan kapag gusto kong mag-isip isip. Maganda ang lugar na 'to, tahimik, walang masyadong tao, at maganda din ang view. Kaya nakakagaan ng loob ang lugar na 'to.
Oo tama sya, hindi na kami nagpapansinan ni Icy atsaka may mabigat nga akong problema.
"Oh kuya, tumutulo nanaman yang luha mo. Ano bang problema?" sabi ulit ni Vester kaya muli kong pinahid yung luha ko.
Pakiramdam ko ay sasabog na ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin si Vester, ang kapatid ko.
"K-kuya.." sabi ni Vester habang hinahagod ang likod ko. Umiiyak na kasi ako.
"Kuya, bakit? Anong problema?" tanong ulit nya.
"S-sorry Vester, s-sorry k-kapatid ko." napakabait nya, sobrang layo ng ugali nya sa tatay nya. But then, ni minsan ay hindi ko sya tinuring na kapatid. Dinamay ko sya sa galit ko sa tatay nya na pumatay sa tatay ko. Ang dami nyang sinakripisyo. Kung hindi dahil sa kanya, siguro wala na kaming nanay ngayon.
"B-bakit ka nagsosorry, k-kuya? W-wala ka namang kasalanan ah."
"Hindi Vester, madami akong kasalanan sayo. Hindi ako naging mabuting kapatid sayo. Nagalit ako sayo ng sobra na hindi naman dapat. Kaya sorry talaga Vester, s-sorry sa lahat." naramdaman ko naman na niyakap nya din ako.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)