ICY's POV
"Hoy babaeng malandi na anak ng killer!"
"Akala mo ba ay palalampasin namin yung ginawa mo?"
"Anong karapatan mong itapon yung napakaganda kong I.D. sa basurahan?!"
Hinarangan nanaman ako ng tatlong mga asungot na babae. Nakakainis na talaga sila! Sa totoo lang, ubos na ubos na ang pasensya ko sa kanila! Nagpipigil nalang ako. Ilang araw na nila akong binu-bwisit!
Wala talaga akong panahon sa mga taong katulad nila. Kaya hindi ko nalang ulit sila pinansin, lalampasan ko na sana yung tatlong mga asungot na babae nang biglang bumulong ang kasabay ko na si Megan.
"Bi, hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong pairalin yang kasupladahan mo." matapos bumulong ni Megan ay binigyan ko sya ng isang nagtatanong na tingin. Pasalamat ang tatlong yan dahil hindi namin kasama ngayon si Silver, kung hindi ay patay nanaman sila dun sa lalaking yun.
"Minsan, kailangan mo rin silang labanan." bulong ulit sa akin ni Megan tapos kumindat pa sya.
Napaisip ako doon sa sinabi ni Megan at na-realize ko na tama sya. Kaya humakbang ako paatras hanggang sa makaharap ko na yung tatlong asungot.
Nang makaharap ko na sila ay binigyan ko sila ng isang ngiti. Isang matapang at mapang-asar na ngiti.
"Oww! Marunong ka palang ngumiti! Pero bakit ganun? Ang pangit mo parin!" sabi nung Kris tapos humalakhak pa sya ng malakas.
Hindi naman sa pagmamayabang pero sila palang yung mga taong sinasabihan ako ng "pangit". May diperensya ba sila sa mata o sadyang mga insecure lang sila. Psh.
"Bi, hindi ko sila sasagutin. I'll let you handle this, alam kong mas mabangis ka pa sa akin." bulong ulit sa akin ni Megan. Grabe si bi ah! Mabangis talaga? Hahaha.
"Hoy babaeng frog! Anong binubulong-bulong mo dyan sa ugly mong friend ha?!" sabi nung pinakamaarte sa kanilang tatlo na si Mandy kay Megan. Pero nanahimik lang si Megan at umastang walang narinig. Haha so talagang ipapahandle nya talaga saakin itong tatlong 'to?! Madalas kasi ay sya yung nakikipagsagutan sa mga yan.
Well, okay. Let me handle this.
"Hoy ikaw Icy! Hindi mo pa sinagot yung tanong ko! Bakit mo tinapon sa basurahan yung napakagandang I.D. ko?!" bulyaw sa akin ni Cass tapos humakbang sya papalapit sa akin. " Eh mas karapat-dapat nga itapon itong I.-----WHAT THE?!" hahablutin na sana ni Cass yung I.D. ko pero nasalo agad ng kamay ko yung kamay nya na ipanghahablot nya sana. Kaya ngayon, sorry nalang sya dahil ubos na ubos na talaga ang pasensya ko, as in WALA NA!
![](https://img.wattpad.com/cover/11614627-288-k540644.jpg)
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...