LUCAS' POV
Galing ako sa school. Papasok na sana ako ng pinto ng bahay namin nang...
*dingdongdingdongdingdongdingdongdingdongdingdongdingdong*
Haaaay! May balak ba yun manira ng doorbell! Kung makapindot naman ng doorbell, WAGAS!
Doorbell parin yun ng doorbell hanggang sa buksan ko na yung gate.
"HOY! SISIRAIN MO BA YU-----ahehehehe..Meganphone ko, ikaw pala yan." napakamot nalang tuloy ako ng ulo.
Alalang-alala yung mukha nya tapos hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at inalog-alog!
"Duck ko! Sabihin mo sa akin na nasa bahay nyo si bi! Sabihin mo!!!" sabi sa akin ng girlfriend ko habang inaalog-alog ako.
"Huh? Hindi ko alam kung nasa bahay na si Princess, kararating ko lang kasi eh. B-bakit?" lalo syang nagpanic! Hala! Ano bang nangyayari?! Bakit nya tinatanong si Princess?!
"K-kasi Duck ko, b-bigla nalang syang nawala kaninang matapos ang recess! Hindi ko alam kung saan sya pumunta! Waaah! Nag-aalala ako ng sobra para kay bi!" bakas na bakas nga sa kanya ang sobrang pag-aalala kay Princess.Hindi ko naman maiwasan ang kabahan ng dahil doon sa mga sinabi ni Megan.
"L-Lucas, s-si bi." halos paiyak na ang girlfriend ko.
"B-baka n-nawala na si bi." tinakpan nya ng dalawang kamay yung mukha nya at tuluyan nang umiyak. Kinabahan lalo ako nang sabihin nya yung salitang "nawala". Pero pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na nasa loob lang ng bahay si Princess at walang masamang nangyari sa kapatid ko. Think positive.
Niyakap ko ang Meganphone ko at pina-kalma.
"Malaki na si Princess kaya hindi sya mawawala. Nandyan lang sya sa bahay namin. Kaya wag ka nang mag-alala Meganphone ko huh? Okay lang ang bestfriend mo." mabuti naman at napatahan ko sya.
"S-sigurado ka ba, Duck ko? Diba sabi mo kararating mo lang at hindi mo pa alam kung nasa loob nga ng bahay nyo si bi?" tanong ni Megan na may pag-aalala parin.
Naalala ko yung LADY IN BLACK na gumagambala sa kapatid ko. Lalo akong kinabahan. Hindi kaya....hindi kaya..Aish! Stop thinking negative things Lucas! Be positive.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomanceSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)