ICY's POV
"Just thinking of myself having a boyfriend makes me cringe." Pabulong na sabi ko habang bumababa ako sa kotse ni Kuya Trion. Nauna na akong bumaba dahil naiinis at kinikilabutan na ako sa mga pinagsasabi nila na wala namang ka-sense sense.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay namin ay nagulat ako nang biglang may maglaglagan sa ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng malakas kong pagtili nang marealize ko kung ano yung mga nagsilaglagan. Kaya mabilis akong napatakbo sa pinakamalapit na couch at agad na tumuntong doon.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Isang malakas na tawa ang nag-echo sa buong bahay at nang makita ko kung sino yun..
"KUYA LUCAS!!! BAKIT ANG DAMING IPIS?!" Mangiyak-ngiyak na tanong ko. Sobrang takot talaga ako sa mga ganyang klase ng insects. Isa pa nga lang na ganyan, hindi ko na ma-take, ganyan pa kaya kadami?!
"KUYA LUCAS, PLEASE HELP! ALISIN MO YAN LAHAT PLEASE!" Nagmamakaawang sabi ko sa kuya ko habang nakatakip na ang mga kamay ko sa mata ko. Hindi ko talaga kayang tingnan kasi sobrang dami!
"WHAHAHAHAHAHAHA!!" Nagpatuloy lang si Kuya Lucas sa pagtawa.
"KUYA, ANO BA?!" Sigaw ko ulit sa kanya. Wala naman kasing nakakatawa!
"IT'S A PRANK, PRINCESS! NA-PRANK NANAMAN KITA! HAHAHAHA!" Naiiyak na talaga ako kasi ang dami talaga!
"ANO BA PINAGSASABI MO DYAN, KUYA?! AYOKO NGA NYAN KAYA PLEASE LANG TANGGALIN MO YAN LAHAT!!"
"Hahahaha! Kalma ka lang dyan, baby sis ko. Hindi naman yan mga totoong ipis eh. Look!" Dahan dahan kong tinanggal yung mga kamay ko na nakatakip sa mga mata ko at nakita ko na dinadampot ni Kuya Lucas yung ilan sa mga nagkalat na ipis. Yuck!
"Tingnan mo oh, mga plastic lang sila. See??" Sabi pa ni Kuya Lucas habang hawak niya sa antenna yung isa sa mga ipis.
Agad naman akong naging kalmado nang ma-convince ako na hindi naman pala mga totoong ipis yun. Nakita ko na mga plastic lang pala ang mga yun at hindi gumagalaw. Oh god! Hindi ko na alam ang gagawin ko kung totoong ipis ang mga yan tapos ganyan pa kadami!
So it's just a prank? A prank made by my Kuya Lucas again?! From pagiging kalmado ay unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng dugo ko. Kaya as my hands balled into fists, tinignan ko si Kuya Lucas ng masama. Bumaba na ako mula sa couch na tinuntungan ko at naglakad papalapit sa kanya.
"H-hey Princess, prank nga yun diba? Hehe hindi naman totoong mga ipis eh. Wag ka na magalit~ Dapat nga matuwa ka kasi na-prank kita. Nakakatawa naman yun diba? Hehehe.." Kinakabahang sabi ni Kuya Lucas habang dahan-dahan na siyang napapaatras.
Matutuwa? Nakakatawa? "Your pranks were never funny." Seryosong sabi ko. At bago pa man makatakas si Kuya Lucas, I quickly jumped towards him at sinabunutan siya!
"A-aray! Princess! Wag yung buhok ko, kakaayos ko lang nyan!" Daing ni kuya pero wala akong pakialam!
"You deserve more than this!!" Sigaw ko tapos mas lalo ko pang hinigpitan yung pagkakahawak sa buhok niya.
"Princess! A-aray m-masakit na talaga! Sorry na kasi.. P-promise hindi ko na uulitin!" Pagmamakaawa ni kuya pero nagpatuloy padin ako sa pagsabunot sa kanya.
"Oh? Anong nangyayari dito?" Narinig ko yung boses ng isa ko pang kuya pero hindi ko muna siya pinansin dahil busy pa ako dito kay Kuya Lucas.
"Kuya Jazi! Tulungan mo ako dito! Si Princess ayaw tigilan yung buhok ko oh!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Kuya Lucas habang pilit niyang inaalis yung mga kamay ko sa buhok niya pero hindi niya magawa. Narinig ko lang na tumawa si Kuya Jazi.
BINABASA MO ANG
[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]
RomantikSuplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between them? Are they even possible? (TAGLISH) Date Started: January 15, 2014 Date Finished: October 10, 2015 Note: (as of October 26, 2020) ...
![[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/11614627-64-k540644.jpg)