70th Chapter "Secrets"

4K 158 5
                                        

ALLY's POV

"Jasper, lahat na yata ng lugar ay napuntahan na natin. Saan pa ba natin pwedeng hanapin si ate?" tanong ko tapos tumingin ako kay Jasper na nakakunot ang noo na parang ang lalim ng iniisip.


Ako, si Jasper, at si kuya Trion. Tulong-tulong kaming tatlo sa paghahanap kay ate.


"Si Trion, nasaan?" hindi sinagot ni Jasper yung tanong ko. Alam kong gulong-gulo na rin ang utak nyan kakaisip kung saan pa namin hahanapin si ate.


"Sumaglit lang sa hospital, babalik din daw sya agad." sagot ko at sakto namang may nagdoorbell dito sa bahay nila ate at kuya Trion. Dito muna kami namamalagi ni Jasper para matulungan namin si kuya Trion sa paghahanap kay ate.


Iniwan ko muna si Jasper sa living room para pagbuksan yung nag-doorbell. Siguro si kuya Trion na yun, sabi nya kasi saglit lang sya sa hospital eh.


Pagkabukas ko ng gate ay may biglang yumakap sa akin...


"A-ate?" hinawakan ko sya sa magkabilang braso at tinignan sya. Akala ko nagha-hallucinate lang ako ng dahil sa sobrang pag-aalala kay ate, yun naman pala ay totoong nasa harapan ko na sya!


"Waaaah ate Xena! Ikaw nga!" niyakap ko si ate. Grabe miss na miss ko na sya. Para akong nabunutan ng isang libong tinik sa dibdib. Kung anu-ano na kasi ang mga bagay na naiisip ko na pwedeng mangyari kay ate na kamuntik ko nang paniwalaan dahil nga sa hindi namin sya mahanap.


"Ate, okay ka lang ba? Paano ka nakarating dito? May tumulong ba sayo? Tumakas ka ba? Ang baby mo ate, maayos ba sya?" sunod-sunod na tanong ko. Grabe ang dami kong gustong malaman.


Pero bakit umiiyak si ate? Hindi ba dapat masaya sya dahil wala na sya sa mga kamay ng hayop na Charm na yun.


"Ate, wag ka nang umiyak. Nandito ka na, ligtas ka na." pagcocomfort ko kay ate pero lalo lang syang umiyak.


"Ate, makakasama yan sa ba---WAAAH! JASPER TULONG!" bigla nalang hinimatay si ate at natumba sa akin kaya tinawag ko si Jasper.


Pero ang tagal ni Jasper kaya tinawag ko ulit sya. Huhuhu ang bigat ni ate.


"JASPER ANO BA?! ANG TAGAL MO NAMAN!" nasaan na ba ang lalaking yun?! Ang lakas-lakas na ng boses ko dito kaya imposibleng hindi nya ako naririnig.


"Ally, bakit? Anong nangyayari?!" natatarantang tanong ni Jasper. Mabuti naman at nandito na sya, tatawagin ko na sana sya ulit eh.


"S-si ate oh, b-bigla nalang hinimatay." huhu natatakot ako para kay ate, baka kung ano ang mangyari sa kanya... Sa kanila ng baby nya.


"Huh?" nagmamadaling lumapit dito si Jasper.


"Si bestfriend ba yan, Ally?" hindi makapaniwalang tanong ni Jasper. Langya 'to! Kita na nga nya na si ate Xena 'to at tinawag ko pang "ate".

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon