5th Chapter "The Silver Effect"

14.1K 402 43
                                        

LUCAS' POV

Nakahiga lang ako dito sa aming couch habang busy ako sa "paglalaro" dito sa aking phone nang marinig kong may mag-doorbell. At dahil mabait at gwapo akong nilalang, tumayo ako at lumabas ng bahay para pagbuksan ng gate yung kung sino man ang pumindot ng aming mahiwagang doorbell.

Nang buksan ko ang gate ay bumungad sa akin ang nakasimangot na si Megan. Oh? Ano naman ang problema nito?

Hindi man lang niya ako binati dahil nang pagbuksan ko siya ay itinulak niya ko sa tabihan at nagdire-diretso papasok ng bahay namin.

Pero bago pa man makapasok si Megan ay hinabol ko siya at niyakap mula sa likod para pigilan siya sa binabalak niya.

"Lucas! Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Pupuntahan ko si Icy!" Pagpupumiglas ni Megan pero hindi parin siya makawala dahil syempre mas malakas ako. Hahaha!

Oh? As usual, yung kapatid ko na bestfriend niya ang pakay niya sa pagpunta dito. Pero may ibinilin sa akin kanina si Princess eh.

"Pupuntahan mo si Princess? Pero nabanggit niya sa akin kanina na 24 hours ka raw niyang hindi kakausapin pero---" Pinilit ni Megan na makawala sa pagkakayakap ko at humarap siya sa akin ng may masamang tingin.

"WHAT?! 24 HOURS?! BAKIT DAW?! ANO BA KASALANAN KO?!" Sigaw ni Megan na feeling ko ay gumalaw yung eardrums ko sa lakas ng boses niya. Grabe rin ang babaeng 'to eh parang may megaphone sa lalamunan. No wonder na Megan ang pangalan niya. She's Meganphone, the walking megaphone!

Nagkibit-balikat ako habang kinakalikot ng isang daliri ko yung tenga ko. Grabe naman kasi ang boses nito, baka mamaya hindi ko na marinig yung mga magagandang boses ng girlfriends ko.

"Wala namang sinabi si Princess na dahilan eh. Teka, nag-away ba kayo?" Tanong ko. Nako, mahirap pa naman kaaway yung kapatid kong yun.

Nakita kong unti-unti nang kumalma si Megan tapos nagbuntong-hininga at pout pa siya. Hehe, cute rin naman ang isang 'to eh kahit na nakalunok ng megaphone.

"Hindi naman kami nag-away eh. Actually, masaya naman ako kanina pero bigla nalang niya ako iniwan kaninang uwian na. Wala tuloy akong kasabay umuwi." Malungkot na sagot ni Megan.

"Masaya ka kanina? Eh yung kapatid ko masaya ba? Ano ba kasi nangyari?" Nako, malaman ko lang na hindi masaya si Princess, magplaplano ulit ako ng magandang prank para mapasaya yung kapatid ko.

"Hmm, may gagawin kasi kaming activity sa isang subject namin sa school tapos ni-group kami nung teacher namin by twos tapos ayun masaya na ko sa mga nangyayari. I bet masaya din yun si Princess kasi OMG I'm so excited talaga!" Magulong pagkwekwento ni Megan dahil wala akong naintindihan na punto niya.

Aish, basta ang mahalaga, hindi naman pala sila nag-away.

"Teka, bakit pala kita kinakausap?! Pumunta ako dito para kausapin si Icy! Umalis ka nga sa harapan ko!" At muli niya akong itinulak at lumakad na siya papasok ng bahay namin pero pinigilan ko siya ulit.

"LUCAS, ANO BA?! BAKIT KA BA YAKAP NG YAKAP?! BITAWAN MO NGA AKO!!" Lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko para siguraduhin na hindi na siya makakawala. Tumawa ako at hindi pinansin ang pag-galaw muli ng eardrums ko sa lakas ng boses niya.

Nilapit ko ang mga labi ko sa tenga niya at bumulong...

"First of all, bakit ako aalis sa harapan mo? Eh wala ka namang harapan?" Mapang-asar na sabi ko. Pero totoo naman eh. Bukod sa isa siyang walking megaphone, dalawa rin ang likod niya. Hahaha! What a unique kind of girl.

Wait, dapat pala hindi ko na yun sinabi kasi isa nga pala siyang walking megaphone...

"HOY DUCK LUCAS! WALA MAN AKONG HINAHARAP SA PANINGIN MO, AT LEAST HINDI AKO PUMAPATOL SA MGA KATULAD MO! PAKAWALAN MO NA NGA AKO AT MAGPAKALUNOD KA NA DOON SA MGA HINAHARAP NG MGA GIRLFRIENDS MO!" Ouch, sakit na ng eardrums ko. Pero mas medyo sumakit doon yung feelings ko ah. Tapos tinawag nanaman niya akong Duck Lucas. Ang gwapo-gwapo ng pangalan kong Duke Lucas tapos gagawin lang niyang pang bibe.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon