Saan nga ba nagsimula ang lahat, at ano ang inaasahan kong katapusan — isang simula pa rin ba?
Ako ang bampirang nagising na lang isang gabi nang nawala na lang bigla ang lahat sakin. Nagising ako sa loob ng isang kwartong puti ang mga pader at kisame, at walang bintana.
May pintuan ngunit nakaharang dun ang isang bampira. Sa katabing table ng hinihigaan ko ay mayroong isang botelyang may lamang likido at nakadagan yun sa isang note.
'Maligayang ikalabing siyam na kaarawan Aster.' Yun ang nakasulat sa note. Tinabig ko ang botelya kaya nabasag yun. Tama na. Hindi ko na kailangan ng aging potion.
Bumaling ako sa bampirang nakaharang sa pintuan. "Malaya kang umalis." ang sabi niya sakin. "—Pero bago ka makalabas ng pinto, kinakailangan mo muna akong —AAAGHH!"
Sa isang iglap lamang, nandoon na ako sa kanyang likuran.
Sumirit ang kanyang dugo gawa nang biniyak ko ang kanyang tagiliran.
"May sinasabi ka ba?" hamon kong tanong sa kanya. Binunot ko mula sa kanya ang dala niyang katana. Nag-apoy yun —
"Alam mo kung sinong bampira ang isinakripisyo nila para lamang magamit ko ang kapangyarihang ito? HINDI?!"
Ayaw niyang magsalita. Bakit ba siya napipi nang husto?
Mayamaya nag-abo na siya nang tuluyan. Naubusan yata ng dugo. Dumakot ako ng abo niya at isinaboy sa pinto.
Natrigger nun ang mechanism para mabuksan ang pinto.
Wala akong partikular na direksyong tinatahak. Basta ang sinusunod ko lang ay ang itinitibok ng puso ko...
Narating ko ang isang napakalaking pinto, na sa pagbukas ko ay nakita mismo ng mga mata ko kung paano naabo ang babaeng nakasama ko sa halos kalahati na ng buong buhay ko —
"ROSARY!" sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit huli na talaga.
Nakatingin lang ako sa mukha niya tapos ay kumibot ang kanyang mga labi. Waring tinatawag niya ako sa aking pangalan —
"Aster?!"
Natauhan ako sa batang babaeng katabi ko. Sinimangutan ko siya. "Hoy Aning, sinong may sabi sayong tawagin mo ako sa pangalan ko? KUYA YUN! Kuha mo?"
Antigoné ang pangalan niya pero nahahabaan ako kaya Aning na lang.
"Hmp. Ayaw kitang maging kapatid. Gusto ko ako ang magiging asawa mo paglaki ko!" wag kayong mag-alala. Normal sa mga batang otaku na magfantasize sa mga kuya nila.
Tog!
Ayun, kinutusan ko siya. "Ayoko sayo ang pangit pangit mo na, Aning ka pa."
She pouted at me. Joke lang hindi siya panget. Mukha nga siyang manika eh.
"AISHHH HOW DER YOOO ASTERRR!"
Inulit ko ulit ang pambabatok ko sa kanya. Otaku na nga siya, sumesegway pa sa pagiging Korean-wannabe. "KUYAAAAA SINAAAABEEEE—!"
"PSSUY ANG INGAY NIYO!" sinaway kami ng undertaker na kanina pa kami tinitingnan.
"Tara na nga kasi Aster. Bakit ba tayo nandito sa buntok na may mga nakalibing na abo. Sino ba tong dinadalaw natin?" Antigoné is so tactless, eventhough she's just eight.
Pero yung totoo, hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Basta na lang naging panata ko ang pagdalaw dito sa puntod na walang pangalan. Siguro mga magulang ko ang nakalibing dito.
"Oh siya... Tara na Aning."
"Saan na naman tayo pupuntaaaa~"she whined.
Hindi ko rin alam exactly kung saan kami pupunta. Our world, the vampire world, had been devastated so long ago.
Kami ni Antigoné ay vagrants na simula nang magpasya akong umalis na sa poder ng angkang kumupkop sakin mula nang mawala ang mga magulang namin. We drift from one place to another.
Where do we really go from here? I'm going to find out... Are you with me?
****
FORLORN MADNESS 2
A masterpiece by direk_whamba
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampireThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba