35th Madness

1.9K 75 2
                                    

Hio's POV

Glob... Glob... Glob...

Pagpasok ko sa loob ng tavern, naupo ako sa isang carpet at walang ginawa kundi ang humithit sa sheesha na inoffer sakin ng isang gypsy. Nakakatuwa dahil nagkakaroon ng hugis ang ibinubuga kong usok base sa iniimagine ko.

[Sheesha- Arabian water pipe na hinihithit kagaya ng yosi. Same max effect dre]

"Di bagay sayo ang ganyang bisyo." komento ni Licorice.

"—Hindi bisyo ang tawag dito kung minsan lang. Pampatanggal ng stress." wala namang masama kung may cheat day ako no? I quit smoking. Hindi dahil masama siya sa katawan, kundi dahil sa sintax bill. Ayokong payamanin ang gobyerno.

Mayamaya pa ay dumating na ang aking kaibigan. Nagbigay puwang ang lahat ng nakaharang sa daraanan niya at yung mga nalagpasan na niya ay hinahabol pa rin siya ng tingin. Agaw-pansin ang kanyang makulay na kasuotan na nagkocompliment sa kanyang dark sun tan na complexion. Tangan tangan niya ang isang Thappu— isang percussion musical instrument ng India.

Iniabot niya sakin ang instrumentong yun paglapit niya. "Tumugtog ka para sakin Henna."

Nangiti ako. "Nilayasan ka na naman ng iyong musikero Ib?" tanong ko sabay tayo. Sinundan ko si Ib sa pinakagitna ng tavern.

Pumorma siya sa kanyang panimulang sayaw kaya sinimulan ko nang tapikin ang thappu. Walang sinuman ang hindi huminto sa kani kanilang ginagawa para lang masilayan ang kanyang sayaw.

Ang kanyang sayaw sa saliw ng musika, ay nagbibigay ng kapanatagan sa kung sinuman ang nanonood sa kanya, at may pagkakataong naipapadama niya ang iba't ibang emosyon sa pamamagitan lang ng sayaw.

Hindi ganun kaespesyal ang standing niya bilang bampira, pero dahil sa napakalakas ng kanyang personalidad ay umani siya ng pagkarami raming patron na ngayon ay nagbibigay sa kanya ng proteksyon. Maasahan din siya sapagkat ang dami niyang nasasagap na impormasyon mula na rin sa pagkekwento ng mga bampirang nakakasalamuha niya.

Bukod dun, siya ang pinuno ng isang pangkat ng mga nomad na kung tawagin ay Banjara. Nagmula pa sila sa bansang India. Lumayo sila sa kanilang orihinal na pangkat dahil na rin sa sila ay mga bampira. Ang kanilang mga paglalakbay ang nagdala sa kanila sa disyertong ito.

Nakakaaliw ngayon ang sayaw ni Ib. Mababakas yun sa mga nakangiting expectators; at maging ako ay nakangiti na rin. Inikot niya ang mga nakaupong bisita ng tavern habang nakasunod ako sa kanya. Yung iba, hindi na talaga napigilang hindi umindak. Sinabayan nila si Ib kahit pa adlib ang dance steps.

Nang matapos ang aming intermission, jumoin sa pwesto ko si Ib. Oblivious siya sa masamang tingin ni Licorice. Seryoso ngang tanong... Bakit ba pag nakikitaan ako na may kasamang babae, ang unang impression ay babaero na ako? Masama ba para sakin ang makipagkaibigan sa mga babae?

"Haha... Wala ka pa ring kupas. Isa ka pa ring dakilang manunugtog! Ano, napasaya ba kita Henna? Kanina pagkakita ko kasi sayo para kang nabagsakan ng Mt. Everest."

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon