42nd Madness

2K 74 3
                                        

Hio's POV

"Ang mabuti pa ay tingnan ko na lang mismo ang problema. Papasok ako ng aking dimension point." sabi ko sa kanila.

Yari na naman ako nito kay Shall kapag iniwan ko na naman sila ni Anne dito pero bahala na. Importante to at di na makapaghihintay pa.

"Sasamahan ba kita Hio?" tanong ni Mie. Inalalayan siya ni pareng Kape nung tatayo na siya.

"Hindi na. Kaya ko naman ang sarili ko eh..." wait may naisip ako. "Kung gusto mo ay dun muna kayo sa Rose mansion para may kasama si Shall habang wala ako. Bininigyan ko kayo ng karampatang permiso."

Tinapik ni Mie yung braso ni Kape pero sakin pa din siya nakatingin. "Sasamahan ka ni Rai."

"TALAGA?!" whoa chorused pa kami ni pare!

"Paano ka?" alalang tanong ni kupal sa chix niya.

"Pupunta ako ng Rose mansion gaya ng suggestion ni Hio. Kaya kong protektahan ang sarili ko, at malakas yata kami ni Shall pag nag join force no?" that's the right attitude Mie.

Lumapit samin si Xerun. "Sasamahan ko ang binibini sa kanyang pupuntahan master." aniya.

Binayo ko ang likod niya. "Wag ka ngang pormal pormalan diyan. Tropa tropa din. Ang gusto ko lang mula sayo ay yung tinatawag mo akong master. Wehehe~"

Naghiwahiwalay na kami ng landas pagkatapos naming magkaintindihan. Magkasabay na umalis sina Xerun at Mie habang kami naman ni Kape ay iwan dito.

"Aperite Dimensionem!" I cried.

Lumitaw ang magic circle ng aking dimension point na sakop ang kinatutuntungan naming dalawa ni Kape. Umangat ang magic circle hanggang sa nasa ibabaw na namin iyon; kasabay nun ay nagbago ang kapaligiran na naging isang malawak na void.

Zzzzt... Snap!

Lumalabo ang magic circle ko. May pwersang kumokontra sa kapangyarihan ko na di ko pa alam kung saan nanggaling. Ito na yung sinasabi ni Mie na malaking problema.

"Relax ka lang diyan Kape. Ba-bypass tayo." pag-aassure ko sa kasama ko.

Itinaas ko ang manggas ng suot ko kaya nareveal ang isa sa mga pinakacomplex na magic circle na naisulat ko? ang daan patungong Terra Nusquam.

Sa Terra Nusquam ako lagi unang dumadaan bago makapaglakbay sa panibagong dimensyon. Shortcut kumbaga.

Pinatibay ng sigil sa aking braso ang dimension point ko kaya naprevent ang muntikang pagsasara niyon.

Nagmaterialize sa harap namin ang isang pinto. Binuksan ko yun at itinulak si Kape papasok sa loob.

Forlorn Madness 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon