Senri's POV
Rod? Hmm... Sino kaya ang bagay na Rod para kay Kan?
Hindi masyadong mahalaga ang bagay na yun para alamin.
"-Hindi maigi ang nakikiusyoso sa iniisip ng iba..."
Hmf... Akala ko ako lang ang misteryoso sa lugar na ito.
Inalis ko ang aking paningin sa magandang ilog para lingunin ang isang estranghero. Nakasuot siya ng isang mahabang itim na roba at maskarang kalahating puti, kalahating itim. Iisa lang ang butas nun na para sa mata kaya ang nakita ko lang ay ang kaliwa niyang mata na kulay dugo.
"Malayong maging ikaw yung diablong kinilala ko noong nakaraan. Sino ka?"
Wala akong mahitang kahit na ano sa kanya; wala siyang nakaraan at lalong walang hinaharap. Isa siyang palaisipan.
"Tawagin mo na lamang akong An're..." aniya.
"An're..." muli kong binanggit ang ngalang ibinigay niya nang may naglalarong ngiti sa aking mga labi. Ano ba talaga ang sadya ng isang tulad niya sa akin?
Nasasabik lang ako. Bihira lang kasi akong makaengkwentro ng mga hindi ko alam.
Lumapit sakin si An're. Ginagap niya ang aking kamay na di ko matiyak kung bakit ko pinahintulutan.
May inilagay siyang susi sa aking palad. Gawa yun sa pilak at may mga simbulong hindi pamilyar sakin.
"Para saan ang susi na ito?" aking naitanong.
"Susi yan para sa iyong paglaya. Ang dapat mo lang gawin ay hanapin ang tamang pinto." kahit hindi ko makita ang kanyang mukha, parang gusto kong maniwala na isa siyang mabuting nilalang.
At ayoko sa mga gaya niya.
"Hahaha! Paano kung ayokong hanapin ang pintong sinasabi mo? May magagawa ka ba?"
Binitawan niya ang kamay ko. Gusto kong idispatsa agad ang susi, itapon sa ilog; ngunit may bahagi ko na ayaw iwaksi yun.
"Ako na ang nagsasabi sayo... Hindi dito ang lugar mo-"
"-May nagsabi na rin sa akin niyan. Nakakasuya nang pakinggan. Ito ang tatandaan mo, wag na wag kang makikialam sakin."
"Nagawa ko na ang aking sadya. Magandang araw sa iyo. Magkikita pa ulit tayo." naglaho siya sa harapan ko pagkasabi niya nun.
Tiningnan kong muli ang susing nasa palad ko pa rin. Dalawang taon ko nang hinahanap ang tamang daan palabas ng lugar na ito ngunit lagi akong bigo.
Sa loob ng panahong yun ay natutunan ko na ring kumanlong sa terra nusquam.
Nakaayon na sa lugar na ito ang aking kapangyarihan at may mga pagkakataon pang nakakaya kong magkaroon ng koneksyon sa pisikal na mundo.
Bakit kung kailang gusto ko na dito ay saka pa ako paaalisin? Kalokohan!
Imposible ding mahanap ko ang tamang pinto. Hindi ako maghahanap. Wala akong gagawing hakbang.
****
Aster's POV
Naghiwalay kami ni Kan pagpunta namin sa Area 2. Tinungo ko ang dating mansyon ni mama. Himalang hindi ako naligaw kahit vague na sa alaala ko ang exact location ng estate. I was merely following my intuition. My memory gets worse and worse.
Hinihintay ako ni mama at papa sa may gateway. Welcome back to Rose mansion.
Rose mansion was literally a house of rose. Mula dito sa kinatatayuan ko sa labas, tanaw ko ang sari-saring uri at kulay ng mga rosas sa courtyard. Parehong paborito nina mama at papa ang bulaklak na rose. Halos lahat ng estate nila ay may roses; but this place was the most special of all.
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampireThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba