Xerun's POV
Espesyal akong nilalang at alam ko na ang bagay na yun pagluwal pa lamang sakin. Nakakapag isip na ako at nakakapagmasid kahit hindi pa ako nakakakilos o nakapagsasalita.
Mayroon na kaming espesyal na koneksyon ng aking ama buhat nung ako'y ipinanganak. Nararamdaman ko ang mataas niyang pagpapahalaga sakin. Sapat na yun kahit pa wala na siyang amor para sa aking ina.
Balang araw ay iiwan ako ng aking ama dito sa mundong ibabaw ngunit hindi ko inakalang mas maaga pa kesa sa inaasahan na mangyayari yun.
Isang gabi, may mga dumating at pinaslang ang aking ina, at pati na ako.
Pansamantalang huminto ang aking paghinga pati na ang pagtibok ng aking puso na hindi ko alam kung hanggang kelan.
Basta nasumpungan ko na lang ang aking sarili sa masikip, madilim, at mabahong kapaligiran.
Nagkaroon ako ng pwersa na maiahon ang sarili ko mula sa kinasasadlakan kong yun. Doon ko napagtantong lumaki na ako. Naigagalaw ko na ang aking mga kamay at pa, at higit sa lahat may boses na ako.
Inilibing nila ako sa lupa dahil sa hindi ako naging abo. Subalit lumipas ang mga taon at imbes na maagnas ay lumaki lang ang aking katawan. Parang nagsilbing ikalawang sinapupunan ang lupa na siyang kumanlong sa akin. Paano nga ba nangyari yun?!
Dahil sa taglay kong kapagyarihan na nagmanipesto lang pagkatapos ng aking unang kamatayan.
Sinubukan kong balikan ang buhay ko dati subalit wala na ang aking ama... ang mas masaklap pa sa nalaman ko ay may pumalit sa aking pwesto bilang si Henna Iryl Orpheus Darktower.
Ang akala ko nung una ay isa lamang iyong ordinaryong impostor ko... hindi pala. Sapagkat nananalaytay din sa kanya ang dugo ni ama.
Ayoko mang tanggapin ngunit mayroon akong kapatid.
Napuno ako ng tanong. Bakit ako may kapatid? Masyado bang nalungkot si ama sa pansamantala kong pagkawala?! Ngunit imposibleng makausap si ama dahil matagal na siyang wala sa mundo.
Pinalipas ko ang mga araw sa pagmamatyag sa aking nakababatang kapatid. Katulad ko ay nakaranas siya ng nga paghihirap nung kabataan niya... Pero bakit ganun? Bakit habang lumalaki siya ay mas lalo niyang nagiging kamukha si ama?! Bakit nagagawa pa niyang tumawa?! Bakit hindi mawala ang mga nilalang sa paligid niya?
Bakit siya... masaya?!
Ama, kaya mo bang sagutin ang bagay na yun? Hindi ba't ako ang iyong tagapagmana? Kung ganun ay bakit siya pa ang mas kinakatigan ng tadhana?!
Hindi na ako makapaghintay pa ng sagot. Nakapagdesisyon na ako upang pumasok ng impyerno. Nung mga panahong yun ay saka naman nagsara ang tatlong tarangkahan.
Nanibugho ako sa aking kapatid sa ginawa niya. Para bang isinarado niya ang pinto papasok sa aming tahanan. Humanap ako ng paraan para muling makapagbukas ng tarangkahan. Nalaman ko ang tungkol sa luha ng whisperer ngunit sadyang madulas ang tagapag ingat nun.
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampireThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba