Aster's POV
"At sino ka?! Bakit ka nandito sa aking mansyon?!" angas ni mama. Inuna niya talaga akong punain kesa sa nangyayari sa katawan ni Aning!
"Mere, c'est moi." hopefully alam niya ang accent ko sa French. That's her mother tongue after all. Noong bata ako, she taught me how to speak French.
Lalong nangunot ang noo niya; not of anger, but of confusion. "Aster?! Ikaw ba yan? Paano??!"
"Mahabang kwento mama. S-Si papa ba... Nagkita na kayo?!"
Napaatras ako ng konti when she bared her fangs. "Ang magaling mong ama?! Haha! Humanda siya sakin. TIYAK NA NAMBABABAE NA NAMAN YUN KUNG SAAN!"
Ewan ko dito kay mama. Laging 'na naman' ang karugtong ng 'nambababae' pag bunganga ang pinanghahanap niya kay papa. Kakaisip niya na may babae yun, baka magkatotoo nga!
My parents... I already know they will never grow up... But when will they ever mature?
Okay cut that out. I mustered enough strength para hilahin palayo kay Aning si Fait.
"Fait! Napaano ka?!" nag-snap ako sa harap niya pero wala siyang karespa-response man lang. Blangko ang mga mata niya at kasingblangko yun ng kanyang ekspresyon.
May malay siya subalit waring naglalakbay sa dako paroon ang kanyang diwa.
Paano siya naging ganito ka-wasted?! I always thought he's the cleverest one amongst ForMad members...
"ANTIGONE!" napasigaw silang lahat. Unti unting nagmamarble ang katawan ng kapatid ko kasabay ng paglalaho ng time seal.
Inagapan ko ang kamay ni mama na hahawak sana sa katawan ni Antigone. "WAG! WALANG HAHAWAK SA KANYA! KAPAG GINAWA NIYO YUN, TULUYAN NA SIYANG MAG AABO!"
Nakita ko na ito na nangyari noon sa isa sa mga ampon ng Vral. That time, hindi pa ako aware na isa iyong time seal.
Ang katawang apektado ng isang time seal ay nakakaranas ng malaking time difference kontra sa orihinal na panahon na ating namamalayan.
Ang oras ni Antigone ay nafast forward sa kanyang near-death stage kung saan malapit na siyang maging abo.
Ligtas siya as long as wala ni isa sa aming mga nasa orihinal na oras ang hahawak sa kanya.
Tanging si Senri lang ang nag iisang makakagawa ng ganitong kabulastugan sa buhay. Nagpapaka-madcow ba siya dahil lang sa nasa akin na ang kanyang orihinal na katawan?!
"A-Anong gagawin natin?!" histerikal na si mama. She might explode or something pag may sinabi kaming nakakadiscourage na salita. Nasa pagitan siya ng galit at iyak.
Ang kumilos lamang samin ay si tita Mie. She topped her hand at my little sister's frail body. I saw some faint fuschia light underneath Antigone. Namangha ako kaya medyo lumapit ako para mas makausyoso ng maigi.
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampireThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba