17th Madness

2.1K 79 3
                                    

Cerylle's POV

Nagkamalay ako sa loob ng isang ward ng hospital. Naghanap agad ako ng pamilyar na mukha ngunit wala. Ang tanging nakatunghay sakin ay isang babaeng nurse.

"Salamat at gising ka na! Magdamag kang walang malay alam mo ba yun?" aniya.

Sinipat ko ang bintana. Padilim na. Dahan dahan akong bumangon. "N-Nasaan ang mga nagdala sakin dito?"

Naging dreamy agad ang facial expression ng nurse. Ganung ganun ang hitsura ng mga babae kapag nakakakita ng gwapo. "U-umalis sila kaagad. Pero wag kang mag-alala, bayad na ang bills mo. In fact nakaadvance pa nga, pati yung bayad sakin para bantayan ka exclusively. May iniwan nga palang mensahe para sayo yung isa."

Dinukot niya mula sa kanyang bulsa ang isang note tas iniabot yun sakin.

Nung buklatin ko, may nakaipit na isang libo. Ang pangit ng handwriting. Kinalahig ng manok.

 

'May importante kaming lakad. Kapag nagkamalay ka na, magpadischarge ka na lang. Sumakay ka ng taxi at magpahatid ka sa Atrus tower.'

Nagpatulong ako sa nurse kung paano ako magpapadischarge. Sinuri muna ako ng isang doktor, tas nung wala naman siyang makitang problema sakin eh pinirmahan niya na rin ang discharge papers ko.

Sumakay ako sa isa sa mga nakapilang taxi sa gilid ng hospital.

"Sa Atrus tower po tayo." sabi ko sa driver. Tinanguan lang niya ako without asking further details. Kilala yata yung condominium tower na yun dito.

Habang nasa byahe, nakatingin ako sa labas ng bintana. Di ko magets kung bakit wala akong alaala tas may biglang magmamanifest pero di ko naman maintindihan.

Mahirap para sakin na pagtagni tagniin ang mga broken memories. Parang okay na sakin ang buhay ko ngayon. Ayoko nang may maalala pa. Baka masaktan lang ako...

"Miss, nandito na po tayo!" luminga sakin si manong sabay sahod ng kamay.

WEH?! ANG LAPIT LANG NAMAN PALA NG ATRUS SA HOSPITAL SANA NILAKAD KO NA LANG!

Ibinigay ko sa kanya ang isang libo. Naghintay ako ng sukli kaso inagiw ako.

"Miss? Ano pang tinutunganga mo? Baba na!"

"—Eh manong, sukli ko po!" giit ko sabay sahod ng aking palad.

Napakamot si manong sa ulo niya. "Tss akala ko keep the change. Mayayaman kasi ang nakatira diyan sa Atrus. Malamang bisita ka lang. Kuripot mo eh."

Ang dami pang sinasabi eh. SUKLI KOOO! Di ako bababa hanggat wala akong sukliii!

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon