28th Madness

1.9K 78 0
                                    

Cerylle's POV

"Ugggh!" ang sakeeeeet!

"Oh bakit?" nakangiting tanong ni Madam Rita. "—Hindi ka pa ba nakakapagsuot ng corset kahit kelan? Ang corset ay 'must wear' pagkatapos ng chemise. Tatandaan mo yan binibining Cerylle."

Ngayon ko lang nalamang may MAS nakakamatay pa pala kesa sa stilletos!  Sobrang hinihigpitan niya ang pagkakagapos— este pagkakatali ng corset kaya parang di na ako makakahinga! Feeling ko rin bali na mga ribs ko at yung mga lamang loob ko ay pisak na! May kurba naman siguro ang katawan ko pero bakit ako magsusuot nitooo?!

Pagkatapos ng chemise, o yung manipis na kamison na panloob, corset daw talaga ang next. In the old times, considered as vulgar or under-dressed ang isang babae kapag di 

kumpleto ang kanyang suot. "—Kung nasa panahon lamang tayo kung saan nabubuhay ang mahal na reynang si Marie Antoinette, aba! Kailangan mo pang magsuot ng hooper!"

Itinuro ni madam yung malaking hooper na gawa sa mga strips ng kahoy at metal. isinusuot yun bago ang mismong gown para kumorte or lumobo nang husto ang saya ng gown. Wee pag sinuot mo yun nunca kang makakaupo!

"Ayan okey na. Isuot na natin sayo ang gown mo." MAGBUNYI! Akala ko habangbuhay ang pagtatali ng corset eh.

Nang humarap ako sa salamin, ANG GANDA NG GOWN! Hindi ko ito masusuot kung patuloy akong nagpalaboy sa lansangan—

Ipinutong sakin ni Madam ang isang tiara then binuksan na niya ang pinto. Ibang lugar na ang nakita ko at hindi na yung work area nila. Tanaw na tanaw ko ang madilim na 

kalangitan at ang malabong detail ng buwan.

"S-Sa labas po?" magkahalong mangha at pagtataka kong tanong.

"Oo. hinihintay ka na nila sa may gate. Nandoon na ang farer ng mga Darktower."

Ehhh?! "P-Paano po ang make-up ko? Y-Yung buhok ko gulo gulo pa nga po ehh—"

Ginagap ni madam ang pisngi ko. "Ang mga bampira ay may natural na ganda kaya hindi na nila kailangang magpaganda pa. Kung nais mong humalubilo sa society ng mga bampira, dapat ay ganun ka rin. Sa tingin ko ay maganda ka na sa kung ano ka. Wag mong itago ang kagandahan mo sa likod ng kung anu anong mga kulorete."

Yiee nakakataba naman yun ng puso! Makalabas na nga!

Nagtatakbo ako ng malawak na courtyard pero naglakad na lang din ako di katagalan. Ang lamig kasi at mas dama ko yun pag mabilis ang mosyon ko. Kusang bumukas yung gate bago pa ako makalapit dun ng tuluyan. Nakastation sa labas ang isang napakalaki at eleganteng couch na hatak ng anim na kabayong kulay itim. Pasakay pa lang dun si miss taray at si Aster na lang ang nasa labas.

Pinagmasdan niya ako, tinitigan, sinuri mula ulo ng paa. It means gandang ganda 'yata' siya sakin .Parang sa mga movies and fairy tale lang—

Hinubad niya ang kanyang suot na overdress at ibinalabal niya yun sakin tapos ay—

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon