14th Madness

2.2K 80 2
                                    

Div Umbra's POV

Ang Terra Nusquam, ang lugar ng kawalan, o mas kilala bilang kaharian ng Erdan, ay naibalik na sa dati nitong purpose, mahigit siyam na taon na ang nakakaraan. Dito nagtutungo o napupunta ang mga kaluluwang ligaw. Dito nagkakaroon sila ng tinatawag na ikalawang pagkakataon.

Matagal na akong wala sa dimensyon ng mga nabubuhay at mas madalas ako dito sa Erdan dahil ito ang perpektong lugar para mamahinga habang hinihintay ko ang expiration ng aking mga kontrata.

May ilog na tumatawid sa siyudad ng Seinen. Masarap mamangka habang pinagmamasdan ang araw.

Ibinaba ako ng bangkero sa isang port sa lower yard na karugtong ng napakahabang pamilihang bayan. Nagbayad ako sa bangkero ng dalawang pilak bilang pasahe.

Lumusot ako sa makipot na eskinita. Sa dulo nun ay may isang matanda na nakaupo sa harap ng mababang mesa. Nakapatong dun ang isang bolang kristal.

"Magandang araw ginoo, gusto mo bang malaman ang iyong kapalaran?"

Inignora ko siya at ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Bigla akong nakasagap ng malakas na aura sa gawi niya kaya napalingon ako.

Nasa likod ng matandang babae ang isang binata. Kulay kahel ang kanyang mga mata, at may marka siya sa magkabilang gilid ng mga matang yun. Ang suot niya ay puting yukata na ang laylayan ay sumasayaw sa ihip ng hangin.

"Hay... Tinanggihan mo ang alok na masilip ang iyong kapalaran? Nakakamangha."

"Hindi ako naniniwala sa hula." sagot ko naman. "Hindi ka isang ordinaryong kaluluwa lang tama ba ako—?"

Ngumiti siya kasabay ng pagkawala niya sa likod ng manghuhula.

Nasa paligid lamang siya dahil nasasagap ko pa rin ang aura niya.

Sinaliwa ko ang daloy ng mga tao sa gitnang kalsada. Nakita ko ang hinahanap ko at kakatwang naglalakad ako palapit sa kanya.

Walang pumapansin sa kanya na para bang hindi siya nakikita; pero nung hinawakan niya ang isang dumaraan, bigla iyong tumumba.

"Huy, ayos ka lang?!" hindi iyon sumasagot sa mga rumesponde.

"Tulong buhatin natin siya!"

"Tinatanong mo kung sino ako?" ako lang naman siguro yung kinakausap ng binatang nakayukata hindi ba?

"Ako ang Diyos ng Terra Nusquam!"

"Talaga?" patuya kong tanong. Lalo pa akong lumapit sa kanya.

"Hahaha... Gusto mo bang masaksihan kung paano ko paiikutin ang mundo ng mga nabubuhay mula dito sa terra nusquam?"

Pinagkrus ko ang aking mga braso. Tanging kami lang ang hindi gumagalaw dito sa kalsada. "Wala akong pakialam."

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon