24th Madness

2K 73 3
                                    

Aster's POV

Hooo tama ba yung nakita ko kani kanina lang? Si senyorito, nagdala ng babae dito?

"Fait di ba nakita na natin yung babaeng yun? Ano nga ba ulit yung pangalan?" tanong ko habang nakakamot sa ulo.

"Anastacia Dupre ang pangalan nun Aster. Nagiging makakalimutin ka pare?"

Sumingit sa usapan si Cerylle. "Ano bang ginagawa nila sa loob? Kanina pa sila hindi lumalabas?"

Hahaha~ may pagkaberde nga talaga siya ano? Umakbay ako sa kanya. "Wag kang mag-alala. Umalis na sila kanina pa. Wala sila diyan sa loob."

"Talaga? Ehh nasaan na sila ngayon?"

Ignore the question. I can't describe Area 1 eh.

Lumayo din ako sa kanya. Nagpunta ako sa room ni Antigone. I found my little sister lying flat on her stomach sa kanyang kama, with a thick old book propped in front of her

nose. Naupo ako sa tabi niya. She automatically sat up.

"Come here?" utos ko. Nung lumapit siya sakin, I cuddled her. Random lang sakin ang lambingin siya, at ito yun. Ang laki laki na niya kasi eh. Kung sana baby na lang siya at wag na siyang lumaki. "Alam mo, you'll make me happy kapag tinawag mo akong kuya."

"Ayaw." she answered while pouting.

I also pouted. "Magpapakasal na ako sa isang random girl. Yun ang gusto ni papa."

Whenever I told her na magpapakasal na ako sa ibang babae, nagtatantrums siya. She'll kick all her toys away o maghahunger strike, but now?she just stared blankly at me.

"Kelan ko ulit makikita sina mama at papa?"

"Ang totoo niyan, kinukuha ka na nila, ayoko lang. Mamimiss ko kasi yung mga kakulitan at kamalditahan mo eh. Pero nasa iyo yung decision kung gusto mo nang tumira sa kanila tutal missed ka na nila."

"Paano si Fait-chan? Dadalawin ba niya ako dun?"

I see. Looks like makukuha agad ni Fait ang affection ni Aning. Ewan ko na lang kung papasa siya kay mama. Baka habulin siya ng taga nun! Hwehehe~

Tok! Tok!

"Pasok." tinatamad kong tugon.

Fait entered inside. Nagsalubong agad ang mga kilay niya pagkakita saking nakayakap kay Aning. Selos yan.

Saming tatlong lalakeng member ng ForMad, siya ang pinakamisteryoso, at hindi yun mahahalata ng iba mula sa kanya. He was jolly at palangiti, mahinhin na parang babae, sumasakay sa lahat ng trip namin ni Kan, at foul-mouthed din.

Siya ang pinakamabait pero siya rin ang pinakamasamang magalit. Nakita ko na kung paano siya magalit, once. I swear, I almost saw hell; or I thought I did.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon