Farfait's POV
Alam kong napakalakas ni Senri. Hindi man yun pansin sa pisikal na katangian niya, natitiyak kong mas makapangyarihan na siya ngayong wala kami sa pisikal na mundo.
Di ko ineexpect na magiging all out agad siya sa simula pa lamang ng kanyang pag atake.
Wala akong naiisip na paraan para kontrahin ang higanteng hand of time sa itaas namin. Once na bumagsak yun dito sa aking inner world, tiyak na magsasuffer ako. Hindi yun ang dapat kong pagtuunan ng pansin kundi ang caster nun na si Senri.
Nangamatay ang mga ahas na lumingkis sa kanyang binti. Natuyot ang mga yun at naagnas. Narating nila ang kanilang death state sa simpleng pagdikit lamang sa oracle of time.
Nakakatawa ang mundo; kapag malakas ka, mayroon pang mas malakas sayo. At sino kaya ang makakaoverpower sa isang gaya niya?
Kailangan kong maging kalmado. Kahit hindi ko matapatan ang kapangyarihan ni Senri, I have to protect beb.
Si Senri ang insecurities ko kung bakit hindi ko makuha nang tuluyan si beb. Mas malalim ang attachment sa kanya ni beb kumpara sa kahit sinuman. Ang akala ko ay itong inner world na ang solusyon para maging akin nang tuluyan si beb...
"Totoo bang minamahal mo siya? O baka ang gusto mo lang sa kanya ay ang kapangyarihan niya?" seryosong tanong ko kay Senri.
Ewan ko kung naoffend ba siya o tinamaan sa tanong ko. Hindi siya sumagot. Nalukot ang mukha niya. The next moment, padescend na ang hand of time.
Mas lalong naging broad ang defended field ni Senri. I tried to create something just to reach him but the efforts are nullified. Hindi ko siya masasaktan, unless ako mismo ang lumapit sa kanya?
I stared at my right hand. Nagmaterialize doon ang isang long rapier. I'm gonna stake him.
Hinila ko ang braso ni beb. Pagkatapos kong bigyan ng distraction si Senri, lalabas kami ng aking inner world and we're gonna run for it. I'm going to create another inner world at sisiguraduhin kong hinding hindi na yun matutunton pa ni Senri!
Creaaaak!
We halted. Lumangitngit ang tarangkahan. Nabuksan na iyon ni Senri.
"Marami ka bang iniisip na problema Farfait? Kapag wala ka sa konsentrasyon, ang lahat ng bagay sa iyong laberinto ay parang yelong natutunaw."
I advanced towards him with my rapier aiming at his heart. I almost had him there, kung hindi lang ako nadistract sa liwanag na nanggaling sa likuran ko...
Bumagsak na ang hand of time. Nag emit yun ng liwanag na lumamon sa buong inner world.
Niyakap ko si beb. Ayokong masaksihan niya ang mga drastic changes sa paligid na dulot ng sobrang bilis na takbo ng oras.
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampirosThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba