13th Madness

2.2K 88 2
                                    

Hio's POV

Area 2 na ang tawag sa dating Elementia. Walang wala siyang ipinagbago kumpara sa Eruditas.

Wala kang makikita dito na kahit na anong bakas ng infection. Nandito kasi ang mga mayayaman at maimpluwensyang bampira. Namumuhay sila dito na para bang wala silang anumang kinalaman sa Area 1.

Binalikan namin ang aming mansyon na tirahan dati ni Shall. Umupa kami ng mga maglilinis at bagong tauhan na mapagkakatiwalaan.

Ginawa kong laboratoryo ang basement ng mansyon. Sinuri ko ang iba't ibang klase ng infected na dugo. Mayroong mula sa halos isang taon nang undead; may galing sa bagong infected; at yung mula sa isang Evil Druid.

Nahinto ako sa pagsilip sa microscope nung parang may humahagod sa likuran ko.

Sino pa, eh di si Shall. Mukha siyang pusa, wide-eyed at nakapout pa. "Yung ipinangako mo..." giit niya.

"Anong oras na ba?"

"Pasado alas singko."

Pupuntahan namin si Antigoné dahil ang kulit ni Shall. Ayoko pa sana. Alam niyo kasi parang ang awkward nun sakin sa ngayon.

Ang lalaki na ng mga anak ko. Dinaanan lang ako ng oras... I need time para mag-sink-in sakin na kaedad ko na si Aster. Hindi na siya yung little boy na pwede kong denggoyin o papaniwalain sa mga kalokohan ko.

Narealize ko lang na hindi napeperfect ang pagiging isang magulang. Mayroon at mayroon kang kagaguhan na dapat itago sa anak mo lalo na pag nasa tamang edad na siya.

BAHALA NA. Basta hindi ko matatanggap pag kinuya ako ni Aster. Magwawala ako! Gusto ko ako pa rin yung tatay niya at tatawagin niya pa rin akong 'Papa'. Pag ayaw niya, kakaltukan ko siya. Anyway, may tiwala ako sa blood bond namin.

"Halika na mahal..." inilahad ko ang kamay ko kay Shall. Yan ah sinusunod ko ang lahat ng layaw niya. Pag tumingin pa siya sa iba, masasapak ko na lang siya bigla. Dejoke. Hindi siya maghahanap ng iba dahil baliw na yan sa pagmamahal sakin.

****

 

Asha's POV

"ForMad, ang balita ay hindi daw natuloy ang concert ninyo last last night?"

Yiee ang sarap talaga maging anak ng may-ari ng isang TV network! Oha, I'm just a door away from my idol band! Kaso hindi ako pwedeng lumapit. May prescon kasi sila ngayon.

"—Yes. Nagkaroon kasi ng technical problem sa concert club." salaysay ni Prince Kan.

Nalungkot lang ako kasi hindi lumabas sa news yung tungkol sa mga zombies. The next day, ang laman ng news ay ang pagkasunog ng concert club na yun.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon