59th Madness

1.8K 55 1
                                    

Shall's POV

Nagbalik na si Aster pero sa ibang katauhan naman. Nakakapanibago, nakakapanghinayang...

Pagkatapos ay itinanong niya sakin kung nagkita na ba daw kami ni Hio. Kinabahan ako ngunit hindi ko yun ipinahalata sa kanila. Nagawa na ni Hio na maibalik si Aster kaya alam kong magbabalik siya agad...

Ngayon pang kailangan ko siya... wag namang may nangyari sa kanyang masama! Alam kong marami siyang kahinaan kaya sana...

Hindi ako sigurado sa gusto kong gawin. Wala akong maisip na paraan para ayusin ang lahat ng problema ng aking pamilya sa isang pitik lang ng mga daliri ko.

Hio... Nasaan ka ba? Wag mo na akong pag isipin pa please?

"Mama, nanginginig ka... Ang akala ko ay aalis ka?" ginagap ni Aster ang kamay ko. Napatitig ako sa kanya. Nararamdaman ko siya at kilalang kilala ko siya. Ngunit ang pagkatao niya ay tila nagbabadya na anumang oras ay maaari siyang magbago; gaya ng biglaang pagbabago ng kulay sa kalangitan.

"Ahh... Oo. Marami lang kasi akong naiisip. Isa na dun ay iyang pulang kalangitan."

Tiyak kong mga espesyal na nilalang lamang ang makakamalas ng kakaibang langit na ito gaya ng mga bampira. Para sa mga ordinaryong tao, ordinaryo lang din sa paningin nila ang langit.

May kapangyarihang nananaig ngunit kanino iyon?

"Mama?! Wag mong sabihin saking diyan ka dadaan sa bintana?" puna sakin ni Aster pagkasampa ko sa window sill.

Instead na sagutin ko ang katanungan niya, minabuti kong ipaalala na lang sa kanya ang dapat niyang gawin. "Yung mga bilin ko sayo, wag mong kakalimutan."

Bumagsak ako sa bubungan ng mas mababang palapag pagkalundag ko.

Squawk! Squawk!

Nabulahaw ko ang mga kalapating namamahinga sa bubungan habang ako'y naglalakad. Naglabas ako ng isang maliit na patalim at ipinukol ko yun sa isa sa mga lumilipad na uwak?

Aaaaarrrk!

Naglagablab ang uwak na nasapul ng aking patalim hanggang tuluyan iyong nag abo. Totoo ang sapantaha kong artipisyal lamang sila.

Nasaan ang may likha sa kanila?

Handa na sana ako upang tumalon muli subalit may humila sa aking braso?

"Para sayo ang napakagandang kulay ng kalangitan. Yan ang huling kulay na nakita ko bago mo ako winasak noon."

May pwersang pumunit sa likurang bahagi ng suot kong bestida bago ko pa lingunin ang pangahas. "Nasa iyo pa rin ang marka ng Raven magpahanggang ngayon... Sigurado ka bang hindi mo na ako natatandaan, Galatea?"

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon