7th Madness

2.1K 75 1
                                        

Asha's POV

"-Anastacia ano bey?!" marahas na binawi ng friend kong si Maureen ang braso niyang hila hila ko.

I clicked my tongue kasabay ng paglingon sa kanya. "Don't call me with my WHOLE NAME everytime you're pissed, okay girl?"

I 'm pissed too! Nagbayad ako ng mga tao para mag-sleep over dito at maireserve kami ng pila. KASO HINDI KO SILA MAKITA! May bitch na sumiko sakin while I'm placing a call kaya nalaglag ang phone ko; tapos may isa pang bitch na umapak nun!

Right now the only way I can think of is to go at the front. We're halfway there sisters! Fighting!

Itinulak ko ang fat girl na nasa harap ko then-

"BAKIT KA NANUNULAK MISS?!" she glared at me.

"I'm really sorry-" umarte ako na parang biktima rin ng panunulak. "-Tinulak lang din ako ng mga nasa likod eh. What can I do?"

Pagkatapos nun, wala na. She ignored me. Lahat kami napatingin sa 4D Holographic box na nasa itaas ng concert club. Ni-roroll nun ngayon ang mukha ng apat na members ng ForMad.

KYAAAAHHH!

Tilian sila, tili din ako! Lalung lalo na nung si Prince Kan ko na ang nasa screen! AT LALO NA NUNG NAGSMILE SIYAAA~

"Hmm... They're all gorgeous. Kaya naman pala patay na patay ka sa mga yan eh." ani Maureen na nakatingin na rin sa screen.

"I told you hindi photoshopped ang mga mukha nila!" ipagtanggol ang ForMad!

That 4D Holograph up there? That's a live projector. You simply can't photoshop whatever it shows. Somewhere inside this concert club, probably inside the 'Visual Effects room', ay nakatayo sila sa isang live whole-body scanner.

Yah I know marami akong alam. Well I live to my reputation as ForMad's Backstage Princess.

"So sino ang pinakatype mo sa kanila?" I asked my galpal.

"Hmm... The one with markings under his eyes. Ang hot niya eh!" oh nuuuh! She wants my prince!

"IHHH!" I gritted my teeth at mahinang pinalo palo ang arm niya. "Don't steal him! He's mine-!"

WAIT LANG. Bakit hindi ko yata nakita ang pagmumukha ng malandi nilang bassist?!

WHAT?! Dininig na ba ng langit ang novena ko?!

KYAAAH~ I'm pumped!

"TARA NA MAU. BAKIT PA TAYO MAKIKIPAGSIKSIKAN DITO?! WE'RE VIPs ANYWAY." sinadya kong palakasan ang boses ko para inggitin ang mga babaeng kagitgitan namin.

Ang babaho ng mga hininga nila and I think I smelt FART. Hindi nila kami ka-level, excuses.

And so Maureen and I broke up from the crowd. Nai-Google map ko na ang area na ito kaya alam kong sa likod ang pasukan ng mga authorized personnel dito.

I heard mabagsik daw si manong guard na assigned sa backgate at namamalo daw ng batuta kaya wala talagang nagtatangkang fans na mangulit dito.

I bet yung mga fans na tinutukoy sa kwento ay mapapanget at mababaho. That means, pretty girls like me can barge!

At kapag sinuswerte ka nga naman, may sumalubong saming isang GWAPONG GUY!

He's oozing with sex appeal sa unang tingin. But on the second look, kay prince Kan pa rin ako.

"Hi ladies! Going somewhere?" he asked pleasantly.

Nagswitch to landi mode si Mau. She clipped her hair behind her ear pa, pero bago siya makapagsalita, naunahan ko na siya.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon