Hio's POV
"Master Senri, nakuha na po namin ang mga bata. Maaari na po tayong bumalik ng manor upang maipahinga na ninyo ang inyong katawan."
May panibagong lalake na nagsalita. Medyo iba kasi yung timbre ng boses niya kesa dun sa una kong narinig kani-kanina lang.
Naalarma ako sa tinuran niyon nung mabanggit ang 'mga bata'.
Mabilis pero walang ingay akong pumasok sa loob ng aking tahanan. Nasulyapan ko si Aster na tahimik na bumababa ng hagdan. Nakasunod sa kanya si Licorice na kalong kalong ang sanggol pang si Anne.
Pumasok mula sa main door ng mansyon si Senri at pati na ang mga kasamahan niya. Nakaupo na siya sa wheelchair na daig pa ang isang imbalido.
Inilahad niya ang kanyang kamay kay Licorice. "Ibigay mo na siya sakin."
Tumalima sa kanya si Licorice. Ibinigay nito kay Senri ang aking bunsong anak. Dun pa lang sa point na yun, parang gusto ko nang makialam.
Kinulong kami ni Shall sa napakabagal na panahon tapos ay ganito pala ang gagawin nila habang wala kami!
Pero... nangyari na ang lahat ng ito. Masama para sakin ang makialam dito.
Wala man akong masyadong alam sa hirap na pinagdaanan ni Aster, at chance na nga ito para malaman ko ang lahat lahat ng mga pangyayaring dumaan na lang na parang mabilis na rolyo ng film, tingin ko kailangan kong umiwas na lang.
Hindi ko maipapangakong hindi ako magagalit. At kapag nagalit ako, may mawawasak...
Marami na akong bagay na natutunan tungkol sa paglalakbay sa oras: mula sa aking ama, at mula din mismo sa sarili ko. Emosyon at pagsisisi ang siyang mahigpit mong kakalabanin.
May mga pagkakataong matutukso ka upang itama ang mga kamalian...
Ngunit marerealize mong mali rin ang pagtatama niyon.
Sinundan ko pa rin ang pangkat nina Senri na tumulak pabalik sa kanilang manor. Iiwas lang ako kay Aster pero aalamin ko kung sinu sino ang mga utak sa likod ng pananabotahe sa akin at sa aking pamilya.
Sakay sila ng malaking itim na karwahe na pinatatakbo ng isang farer. Ang mga farer ay may kapangyarihang gumawa ng isang pribadong black hole habang sila ay 'moving'. Habang nasa loob sila ng black hole na yun, nagagawa nilang hilahin palapit sa kanila ang distansya ng isang lugar. Sa madaling salita, nakakagawa sila ng shortcut.
Permiso rin ang umiiral sa loob ng black hole ng mga farer na limitado lang sa kung sino ang kanyang mga pasahero. Sila ang pinakamainam noong transporter ng mga maharlika dahil dun. Kung magtangka ang isang hindi pasahero na pumasok ng black hole, sudden death ang aabutin ng tangang yun.
Pero hindi ako 'tanga' kahit may balak akong mag infiltrate sa loob ng black hole. Lalong hindi rin ako kasing engot noong hinarang ko ang sarili ko sa papaalis na farer noon sa tore ng Svanr.
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampireThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba