Kape's POV
Maul-ol ang ulo ko pagmata ko. Madilim piro may kunting liwanag na galing mola sa nakasindeng gasera. [Maul-ol- masakit, Pagmata- paggising]
Yawa paanu ako nakaturog nang nakaupo at nakasandal lang an ulo sa mesa? Di ba nasa gawas kame?! [Gawas- labas]
Scratch... Scratch...
Eka, tunog yun na parang esang matules na bagay na ikinakaskas sa papel na magaspang?
"Wah!" napabalekwas ako pagkakita ko key An'ri na nakaupo sa tapat ko! Nakakatakot baya an maskara neya sa dilem! Kamuntekan ko pang matabig ang gasera sa gulat ko piro maagap seya at mahawakan neya iyon.
"Magdahan dahan ka nga! Paano kung masunog ng apoy tong mga papel na katatapos ko lang sulatan?!" hayblad man ini. Dinoro pa ako ng hawak hawak neyang pinsel!
"Pasensya naman!" padispinsa ko.
"Brr..." sunget neto. De man lang ako penatawad. Anong klasing pagkatao yan?!
Tinoloy neya yung kanena pa neya ginagawa. Nagsusulat seya at mahaba haba na ren dahel makapal na yung istak ng papel sa harap ko.
"Nasaan na ba tayo yana? Saka ano ba yang ginisulat mo? Otang?" bihera lang ako makakita ng nagsusulat eh. Se dong Heyo pag magsulat man puro lesta ng otang.
Sasandaleng nahento sa pagsusulat se An'ri akala ko bubulyawan na naman neya ko. "Nandito tayo ngayon sa aklatan ng Upper yard. Wag kang masyadong maingay dahil sikreto lang ang pagparito natin." aniya. "Ang isinusulat ko ay isang akda na nabasa ko noon. Isinusulat ko ang eksaktong tekstong nilalaman niyon batay sa aking memorya. Kinakailangan kong tapusin ito bago pa muling magbago ang mga pangyayari..."
Napaisep man ako. "De ka ba nagsasayang ng pagod bay? Ih kung naalala mo naman baket ned mo pang isolat?"
****
Hio's POV
Paano ko ba maeexplain tong pinagdadaanan ko kay pare? Ang slow pa naman niya, di ba? Taena. Bahala siya.
"Basta gusto ko lang magsulat, tapos. Matulog ka na lang kaya ulit? Gigisingin na lang kita pag maayos na ang lahat. Ayoko kasing naaabala ako."
"Diri ako makaturog lalo't di ako mapalagay. Nawawala baya kaebigan ko! Eh kong gumawas muna kaya ako saglet tapos saka ako babalik kapag?"
Punyemas. MATULOG KA SINABEEEEE!
Ginamit ko ulit sa kanya ang aking epic sleeping powder.
Dug!
Hayun, bumaldog ang ulo niya sa mesa. Maipagpapatuloy ko na rin ang ginagawa ko with UTMOST PEACE!
![](https://img.wattpad.com/cover/41938478-288-k216973.jpg)
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampirosThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba