76th Madness

1.7K 50 0
                                    

Kan's POV

"-WALA NANG ORAS! MAGPUNTA KA NA NGAYUNDIN SA AREA 2!"

Some anonymous telepathic vampire came upon my thoughts... Boses babae ang naglilinger sa aking utak; at bukod dun ay wala na akong clue sa kung sino man siya.

Ako ba talaga ang kausap niya? Para ba sakin ang kanyang mensahe?! Shit just happened.

Pinag iisipan kong maigi kung ang iniuutos ba niya ay isang katotohanan ba o isa lamang bluff or much worse ay tripping lang. Nandito pa man din ako sa Area 1.

"Prince, may problema ba?" tanong ni Asha. She's staring at me again with her damn innocent look. I wish she'd stop doing that.

"Pumunta na lang tayo sa Area 2." just by talking to her, nakapagdesisyon na agad akong pumunta sa lugar na binanggit sa ligaw na telepathy. But I might as well check on what's going on in there. Kanina pa rin ako hindi mapalagay. May naupo lang naman sa trono ng pinakamataas na pinuno ng mga bampira at ipinarating niya sa mga kauri namin na dapat siyang katakutan.

Sunud sunod ang mga pangyayaring 'di mo inaakala'. I thought I've already seen the worst...

WOOOOOOO~!

Nagbago bigla ang ihip ng hangin pati na ang energy flow. May big fish yatang dumating... Isa bang ED? O myembro ng Black Church?

Humawak ako sa balikat ni Asha. "Doon tayo sa mataas na lugar. Tingnan natin kung anong meron-"

Itineleport ko kami sa rooftop ng isang sirang gusali. Yun ang pinakamagandang viewing point mula sa epicenter ng nararamdaman kong power activity.

Hindi ko na kailangan pang tumanaw sa malayo dahil kitang kita ko na agad ang nakalutang na gahiganteng pigura ng isang kalansay na may pakpak ng paniki at may hawak na karit. Mayroong bampirang prenteng naglalakad sa ilalim niya-yun yung bampirang humuli kay Licorice noon if my memory serves me right.

Isa bang familiar ang kalansay na nakikita ko?

Hindi lang pala yun... sa likod nung bampira ay tila nagkakagulo ang mga silhouette forms. Hindi naman sila mukhang mga undead-kaya ano sila? Sinusundan nila yung bampira saan man iyon magtungo kahit pa halatang ayaw nila.

Ilang sandali pa ay itinaas ng bampira ang kanyang kamay-na ginawa din ng higanteng kalansay. Napaatras ako. Ano kaya ang binabalak nilang gawin?

Bumaon sa bitak bitak na kalsada ang naglalakihang carpals ng higante. Sabay naglitawan sa sahigang mga kakaibang simbulo na mabilis kung kumalat.

Nakita rin mismo ng mga mata ko kung ano ang epekto ng ginawa nila sa mga undead sa paligid. Nagsipag agnasan ang mga yun at mukhang walang matitira ni isa sa kanila. Isang clearing operation ang ginagawa nila!

Uubusin nila ang mga undead at pagkatapos?

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon