27th Madness

2K 69 3
                                    

Minerva's POV

"Yawa— kahirap mag istret tagalog!" reklamo ni Kape sakin nung settled na kami sa loob ng aming pansamantalang tinitirahang townhouse. Countryside ang lupang ini-link ni Kape dito sa ilalim ng lupa kaya bibihira dito ang building.

He can speak any language straight! But for no reason, gustong gusto niya ang accent ng kanyang old dialect. Sinasabi niya sakin na marami daw sa mga may ganung accent ang nahihiya o ipinapahiya pag nasa ibang lugar na. For him, his accent is as grandiose as a Kanto accent, or a British accent. Kahanga-hanga siya for thinking like that, and I 

think he's getting away with it pretty well. Mas lalong tumaas ang respect ko sa kanya. Right now, I am using my Italian accent na rin.

Nang maupo siya sa isang couch, naupo ako sa carpet at isinandal ang ulo ko sa kandungan niya. Tiningala ko ang kanyang mukha. "Bakit natin kailangang i-drive palayo dito si Hio?" I asked.

Nagsinungaling kami kanina. Pero mas sinungaling yang si Kape. Well hindi totoong hindi niya kilala si Hio. Si Kape at ako ay naninirahan sa isang dimension na 85% parallel sa dimensyong ito. Parehas na parehas lang, except for few things. Pwede kaming tawaging 'Alternative self' ng totoong Kape at Minerva na nag-exist dito once.

As our basic principle, ang mga dimensyon ay kombinasyon ng time, places, and incidents. Ang paglalakbay sa ibang dimensyon ay kasing intricate ng bilyon o trilyon na mga roletang sabay-sabay pinaikot at kung saan yun huminto ay iyon ang makukuha mong kombinasyon.

Sa dimension point mo masasaksihan kung paano mabubuo ang hindi mabilang na possibilities, fate, at destiny.

As a dimension master, hati ang views ko tungkol sa mga paglalakbay sa daloy ng tadhana. SAYANG at ang isang ordinaryong nilalang ay nabubuhay at namamatay nang hindi man lamang naeexplore ang pagkarami raming possibilities sa kanyang buhay; often na natatrap siya sa dadalawang desisyon o hanggang sa masabi niyang 'Wala na akong ibang choice.'

On the other hand, gusto ko ring manatiling lihim ang paglalakbay na ginagawa ng mga gaya ko. Ang pagkaexploit ng mga dimension at alternative lives ay malaking kasiraan sa balanse ng mundo, hindi man pisikal, kundi kronolohikal.

"—Nakoha mo yung senabe ko?!"

Uhh?! May sinasabi pala sakin si Kape pero di ko nakuha dahil sa kakaisip. My bad.

I smiled apologetically. "Mahal, maaari bang pakiulit ng sinabi mo?"

Nagsmile din siya. Ang bait niya talaga. He should marry me! Eeeeh ang tagal na naming steady pero di kami makasal kasal sa dami dami at dami ng mga twisted events!

"Nasaring ko, diri na tayo dapat umasa ke dong. May sarili na seyang pamilya, saka kaya naman nateng pangalagaan ang logar na ini—"

Natigilan siya sa pagsasalita dahil bigla siyang naubo. Tuloy tuloy yun at nakakabother. Kumilos ako para hagurin ang kanyang likod. "Hindi mo na ba talaga kaya?"

Umiling lang siya sakin. Pinilit pa niyang magsmile kahit nakangiwi. "Ayus lang ako— wag kang mag-alala..."

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon