67th Madness

1.6K 64 11
                                    

Minerva's POV

"Masama ito! Lumikha siya ng ingay! Tiyak kong dito na magsisipuntahan ang iba pang undead na nagkalat sa buong lugar!" nagsimula na akong makaramdam ng panic. Walang may alam kung gaano karami ang undead na nandirito at wala ding may alam kung ano ang limitations ni Amos na siyang tanging inaasahan ko ngayon.

"Dito ka lang sa likod ko!" paalala sakin ni Amos.

Ayokong tumayo lang dito. Bopols na nga ako sa combat tas napakawalang silbi ko pa! I hate this! Wala na ba talaga akong magagawa?!

"HOY SAAN KA PUPUNTA?!"

Tinawag ako ni Amos pero hindi na ako nagpapigil. Binuksan ko ang pinto ng simbahan. Pumasok ako sa loob. Bago ko isinara ang pinto, tumingin muna ako kay Amos. "Maraming salamat sayo kahit anuman ang maging kahihinatnan natin dito. Gusto ko ring gumawa ng paraan para makaalis dito."

Awe. Parang ang lungkot ng mga pinagsasabi ko. I will survive! Magpapakasal pa kami ni Kape ee! Fighting!

Amos nodded. "Bata ang hitsura ng aking kapatid subalit napakatuso niya. Isa siya sa mga high presbyter ng Black Church. Ibig sabihin, mayroon din siyang paraan para gumawa o kumontrol ng mga undead bukod sa pagiging Canceller niya kaya mag iingat ka."

Tlaaaaak?

I finally closed the door. Iniisip ko kanina pa kung unusable na nga ba talaga ang kapangyarihan ko. Although may umiiral na permiso, gusto kong magbakasakali na may exceptions pa doon? I mean, hindi pa ako nahahawakan ng Canceller kaya may pag asa pa ako.

Ang kailangan ko lang gawin ay makalapit sa kanya kahit ilang talampakan lang. There's this rule kung saan hindi effective ang mga permiso sa loob ng blind circumference ng mga Canceller.

Blind circumference ang tawag sa area ng mga nilalang na ang kapangyarihan ay casting. Doon umiiral ang zero magic na tinatawag ding death zone. Ang area na sakop nun ay end to end reach ng caster mula sa pinakadulong daliri ng kanyang kanang kamay, hanggang sa pinakadulong daliri ng kaliwa niyang kamay. Samakatuwid, isang dipa ang death zone.

Ang lahat ng magic na kinacast sa paligid ng caster ay dinedeflect ng blind circumference niya upang hindi umepekto sa kanya ang sarili niyang kapangyarihan o para maiwasang maigisa niya ang sarili niya sa kanyang mantika.

May chance na magamit ko ang kapangyarihan ko kung lalapit ako sa Canceller. Yun nga lang ay dapat maiwasan ko ang kanyang fatal touch. Once na mahawakan niya ako, maaari niya kasing kunin sakin ang kahit ano sa aking mga pandama. Alam ko dahil ang nakababata kong kapatid ay isang Canceller.

Pero wala na kong choice kundi ang lumapit. Iba ang sitwasyon na ito. Hind buhay ko ang mahalaga sakin kundi yung kung ano ang pinoprotektahan namin ng aking pinakamamahal.

I opened another door to my left because most probably ay doon ang direksyon paakyat sa bell tower base na rin sa outside structure ng simbahan at base na rin kung saan malakas ang tunog ng kampana.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon