12th Madness

2.3K 75 2
                                        

Aster's POV

"6 p.m. bukas ang contract signing natin sa network at bukas na rin natin makikilala ang bago nating manager." tuloy tuloy kong eksplika kay pareng Kan as I was putting away my phone. Katatawag lang ng CEO ng G-Tv para sabihing interested pa rin sila samin.

"Yun ay kung may lead guitarist pa ang ForMad bukas." di ko alam kung nang-iinis ba tong si Kan o nang-uungas? Which one?!

Barubal kong ibinato sa kanya ang isang helmet. Nakasuot na ang sakin at nakamount na rin ako sa aking Ducati. Siya na lang talaga ang hinihintay ko. "Sakay na señorito!"

Yumapos siya sa bewang ko kaya tinampal ko ang mga kamay niya. "WAG KA NGANG YUMAYAKAP PAG AANGKAS KA NG MOTORBIKE! NAPAKA-GAY MO!"

"GAGO KA BA EH ANG BILIS BILIS MONG MAGPATAKBO NG MOTOR! SAAN MO AKO GUSTONG HUMAWAK?! DYAN SA STICK MO?!"

"TARANTADO! BASTA WAG KANG KUMAPIT SAKIN TAPOS!" pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa parking. Lagi na lang kaming nag-aaway pag ang transpo ay motorbike. Pakiramdam niya lagi ilalaglag ko siya sa umaandar na sasakyan. Man he had a poor center of gravity.

In the end, nagkasundo kaming sa balikat ko siya kakapit. Paglipas ng sampung minuto sa kalsada, biglang nawala si Kan sa likuran ko. I'm guessing nagteleport na siya sa isang mataas na tower building. Mula dun, tutulungan niya akong matunton ang kinaroroonan ng target ko.

"Aster, naririnig mo ba ako? After two blocks, turn left sa intersection. Drive straight hanggang sa isang exclusive bar. Zero Nine ang pangalan nung bar."

"Roger!"

What the hell was an ED doing inside a bar? Nagkakalat na naman ng lagim?

Pagdating ko sa Zero Nine, direcho kong binunot mula sa sheath ang katana ko. Hindi ko na hinubad ang helmet ko para walang makakilala sakin.

"Boss, tanggalin niyo naman yang helmet niyo bago kayo pumasok dito. At saka ano yang dala niyo?" hinarang agad ako ng dalawang bouncer na pumuputok sa muscle ang mga katawan.

"Ano tong dala ko?! GULO!" sinikmuraan ko yung unang bouncer gamit ang handle ng katana ko, while yung isa hinigh kick ko na lang. At nung may balak pa silang tumayo, 

pinagtatadyakan ko sila sa ulo isa isa. "Babangon pa kasi eh!"

Nakarating ako sa loob na wala man lang may pakialam sa suot kong helmet o sa dala kong katana.

Nakisayaw pa ako sa dalawang chicks na kumembot sa magkabilang gilid ko.

Nasaan na ba yung ungas na yun?

Ayun! Ayun! Pasayaw sayaw si tanga sa dance floor! Kala mo sinong maganda sumayaw eh. Sumugod ako sa dance floor tas inamba ko sa kanya ang dala kong katana—

Pero natigilan ako nung ipangharang niya sa dulo ng espada ko ang isang chick na nahila lang niya. Plano niyang kagatin yun pero naagapan ko.

Forlorn Madness 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon