46th Madness

2K 59 3
                                    

Hio's POV

"IKAW NA NAMAN?!" dumagundong ang napakalakas na boses ni Orpheus.

Splish!

Paglingon ko sa misteryosang babaeng kinakausap ko kanina, naglaho na lang iyon basta. Di malaman kung lumubog ba sa malamig na tubig o nagteleport sa hangin.

"Grr! Pakialamero!" singhal ni Orpheus sabay tinalikuran na niya ako.

"TEKA SAGLIT!" habol ko. "Saan ka pupunta?"

"Hahanapin kong muli ang babaeng yun! Masyado siyang madulas. Mahuhuli ko na sana siya kung di ka lang nagpunta dito!" ani Orpheus.

Balak niyang hulihin ang babaeng yun? Sa anong rason? "Ikaw ang dahilan kung bakit nabubuhay ang babaeng yun tama ba?"

"Hmp." takte inismiran lang ako ni Orpheus sabay larga!

Walang gustong magsalita dito. Isa nga naman akong estranghero... Pero yung kwento ni Orpheus?? Yun ba ang nangyari kung bakit existing ang babaeng yun?

||Ang ikalawang kabanata ng istorya ni Orpheus ay patungkol sa ilog. Gaya ng laging pinag aaralan sa kasaysayan, WALANG sibilisasyon ang hindi umusbong sa tabing ilog. Halimbawa na lamang ang ilog Tigris at Euprhates ng Mesopotamia, at ang Nile ng Ehipto.

 

Dito naman, ang ilog ng Erdan ang pinakapuso ng kaharian. Nagbibigay ito ng pagkain, hanapbuhay, transportasyon, patubig sa mga kopra, at pamawi sa init ng araw. Ngunit bukod pa yun sa kung ano ang tunay na kakayahan ng ilog. Ang tubig na nagmumula raw doon ay lunas sa anumang karamdaman.

 

Dahil dun ay sinamba ng mga mamamayan ang dakilang ilog at nangakong walang hanggan papupurihan yaon.

 

Naging interesado ang orakulo sa pag aakalang ito na nga mismo ang kukumpleto sa ikatlong katangian ng Philosoper's stone: ang magpagaling ng kahit na anong karamdaman.

 

Isang gabi ng taglamig ay inialay ng orakulo sa mahal na ilog ang dugo mula sa isang dalisay na katawan ng isang sanggol.

 

Sa lahat ng kanyang naging pagsisikap ay nabigo ang orakulo na hulihin ang loob ng ispirito ng ilog...

 

Umahon mula sa tubig ang sanggol. Buhay na buhay iyon at umiiyak pa nga. Ang sugat nito sa dibdib ay naghilom na at isa na lamang pilat.

 

Pinagmasdan ng orakulo ang sanggol. Pinagaling ng ilog ang paslit...

 

"Balang araw ay matutuklasan ko rin ang ikinukubling kapangyarihan ng ilog na ito." anang orakulo sa sarili. Isinalok niya ang kanyang mga kamay sa nagyeyelong tubig at inihango ang bata. Mataman niya iyong pinagmasdan. Mainit ang katawan niyon sa kabila ng nosyong naggaling ito sa ilalim ng nagyeyelong tubig.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon