Aster's POV
The remaining Evil Druid, and all the undead in Area 1, they have been given the order to consume me...
Papatayin nila ako sa pamamagitan ng pagkain sakin nang walang ititira kundi kalansay. Paraan yun para ipasa ang kapangyarihan ko kahit pa patay na ako.
NO FUCKING WAY. Wala akong ideya kung bakit ako. Basta mapapatay ko muna sila bago may kumain sakin!
Pinilit kong tumayo. Hindi ko na nilabanan ang active na infection sa katawan ko, bagkus ay ibinatay ko dun ang daloy ng enerhiya sa buong katawan ko. Pakiramdam ko mas lalo akong naging powerful. Sabi nga nila— what doesn't kill you, will make you stronger.
I drew out my katana and pointed its tip on the man with the black cloak. Kilala ko siya dahil lang sa suot niyang roba. Mas mataas siya sa ranggo ng Presbyter. Apart from that, wala na akong alam tungkol sa kung sinong hampaslupa siya.
"Wag ka nang manlaban pa Ecclesiastes... Magpasakop ka sa awtoridad ng Black Church hanggang sa iyong huling hininga! Hindi bat yan ang sinumpaan mong gugna?"
"Talk to my katana, ass——hole."
FRUUUUUUSSSHHHH~
My weapon instantly blazed with red flame. Nag-apoy ang buong espasyong kinatatayuan ko nang itinukod ko yung katana sa lapag. Some kind of a fire wall circled me.
Hindi ako natutuwa sa trip na to ng Black Church kaya papakitaan ko sila kung paano ako mabadtrip. Inihanda ko na ang sarili ko para sa gagawin kong mass possession. I don't know what will happen to me after this, but I'm gonna make sure na hindi na makakarecover pa ang organisasyon.
Itinaas ko na ang dalawa kong kamay habang mataman kong pinagmamasdan ang mga alertong Evil Druid.
Watch me...
Eight inner souls emerged out of my body. Nagdivide ang mga yun into tiny bits bago nagkalat sa buong area 1. Mukha tuloy umuulan ng snow. Nagpenetrate sila sa loob ng katawan ng halos lahat ng undead.
Nabigo lang ako sa mga ED at sa lalakeng nakaroba dahil sa kayang iresist ng kanilang katawan ang mga soul fragments ko. Unlike the undeads, may sanity pa naman kasi sila.
Ngayong nasa ilalim na ng kontrol ko ang mga undead, simulan na ang havoc!
SWIIISSSSSSSHHHHHH!
Winalis ko ang mga ED sa kinatatayuan nila sa isang wave ng ginagamit kong apoy. Nailagan man nila yun, hindi naman sila tinantanan ng mga undead. They're everywhere! Bwahahaha!
Sadyang mahina na sina Baruch at Ezra kaya nung nakuyog sila, wala na silang nagawa.
Two down... Ilan na lang ang natitira?
Arrrghh! Anong pakiramdam yun? Nakakahinga pa naman ako pero bakit parang ang bigat ng dibdib ko? What the hell—?
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
Про вампировThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba