79th Madness

1.8K 58 0
                                        

Aster's POV

Kasunod ng mga nagsidatingang bampira ay dumating din si papa. Ngayon ko na lang siya nakitang muli.

Naexcite ako na ewan! Ang akala ko ay matagal na silang namayapa though I'm really hoping for this moment kung saan magkikita kita rin kaming muli...

Kasama rin niya si mama. Ang mga braso nila ay pinagbibigkis ng isang laso which I dunno what for. The only sure thing I know Is that they will help me save Aning.

Sana matapos na ang kaguluhang ito. I really missed us together; kaming apat...  Si papa, si mama, ako, at si Aning.

Once this shit is over, magmomove out na ako sa Atrus para permanenteng makasama ang mga magulang ko sa Rose mansion.

Subalit malayu layo pa yun sa realidad. Nandito kami at nasa kainitan ng isang siege na iisa lang ang may kagagawan.

Marami ang nadamay at naapektuhan ngunit marami pa rin ang involved. Gustong gusto ko nang icheck ang kalagayan ni Ary pero di ko magawa dahil kailangan kong bantayan ang mga kilos ni Xerun.

Hawak pa rin niya si Kan at pinepwersa ako ng instinct ko na wag hayaang mamatay ang gago na yun.

Mayamaya ay may mga umahong nilalang na parang minomolde sa lupa. Nagkaroon sila ng pigura at aura... hindi maaari ito! Paanong nakagawa siya ng buhay na replika sa loob lang ng napakaiksing panahon?!

Ni hindi pa siya naaapektuhan ng apoy ko!

Sumugod agad ang mga respawned patungo sa mga totoong bampira. Ang advantage ng mga respawned ay maigi silang makakablend in. Maaaring ang pinapatay na ng bampira ay kapwa niya o baka siya ay mabiktima ng inaakala niyang kapwa niya.

I swung my katana at Xerun. Wala akong intensyon sa direct hit. It was just a bluff para basagin ang konsentrasyon niya. Kagyat siyang umilag or else mataamaan nga siya. For atleast one second he moved, I did everything to take back Kan. Dinagit ko siya palayo. His rod followed via his control.

We went to where Ary was.

"Ayos lang ako." pinangunahan niya agad ako. Tough as always. Iniinda niya ang any physical pain for that matter. "Si Kan?"

"Hindi mo kailangang mag alala para sakin. Ang kailangan nating gawin ay umisip ng paraan para ihinto ang inferni sigillum!" ani Kan.

The world around us is changing gradually. Nagkumpulan sa kalangitan ang makakapal at maiitim na ulap, at sa itaas mismo ni Aning ay may blackhole. Hinihigop ng sigil ang natural energy mula sa mundong ito paakyat dun sa blackhole.

"What if we turn back the time again?!" it was my desperate suggestion to them.

"HINDI KO NA YUN PAPAYAGAN!" aba bigla akong binulyawan ni Kan!

"EH ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?! HAYAAN KO NA LANG NA KAININ SI ANING NUNG BLACKHOLE?!" I shouted back.

Forlorn Madness 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon