66th Madness

1.7K 52 0
                                        

Minerva's POV

"Isa kang bampira?"

Bahagya akong nanindig nung biglang nagsalita ang nilalang na nasa aking harap. So far ay hindi naman pala siya isang undead. The fact na nakapagsalita siya means mayroon siyang katinuan. Ang hindi ko lang maintindihan sa kanya ay ang kanyang aura. Pabago bago kasi ang wavelength ng daloy ng energy sa kanyang katawan.

"Oo. Isa nga akong bampira." tugon ko sa nakabiting tanong niya.

"Kung ganun ay ano pang ginagawa mo dito? Ang lugar na ito ay nasalanta na ng Black Church. Wala ka nang mahihita pa rito." aniya.

"Pasensya na ngunit hindi ko alam ang isasagot ko sayo. Ako mismo ay hindi ko alam kung paano ako napadpad ulit dito?"

"Ulit?"

Tumango ako. "Isa ako sa mga refugee dito mula nung magsimulang lumaganap ang undead plague dalawang taon na ang nakalilipas. Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

Umiwas siya ng tingin sakin. "Wag mo na alamin. Hindi na mahalaga kung sino ako. Pero tutulungan kitang makaalis sa lugar na ito."

"Kahit pangalan mo hindi ko ba pwedeng alamin? Siya nga pala, ako si Minerva von Hairenn."

Matagal bago siya sumagot. I bet hindi niya ibibigay ang tunay niyang pangalan sakin.

"Tawagin mo na lang akong Amos. Yun ang pangalang tinanggap ko bilang isang evil druid ng high presbyter."

"Evil druid?" I scowled at him. "Ibig sabihin ay myembro ka ng Black Church?"

"Hindi pa ako opisyal na kinikilala ng Black Church."

"Pero bakit parang ang dami mong alam tungkol sa organisasyon na yun?" tanong ko.

He shrugged lightly. "Nagsaliksik ako. Wala na rin naman akong magagawa kundi ang maging kaisa nila eh. Utang ko sa high Presbyter na tumulong sakin ang aking buhay ngayon. Kung hindi dahil sa kanya, baka isa na rin akong undead."

In fairness, nakakaimpress siya. Bihira na lang ang tumatanaw ng utang na loob ngayon?

He suddenly pressed a finger in his lips. Gusto niyang wag ko nang ituloy ang mga balak ko pa sanang sabihin. He used the silence para pakinggan ang paligid.

Maging ako ay may naririnig na rasps nearby. May mga undead na papalapit at ganun nila kami kabilis natunton?

"Kung nagagamit ko lang sana ang kapangyarihan ko dito..." frustrated kong bulong sa sarili ko. Narinig din yata ni Amos.

"Bukod satin ay nandirito pa ang may hawak ng lugar na ito. Hindi ko lang matukoy kung nasaan siya. Matagal na akong nandirito ngunit hindi ko siya matunton. Magtatago talaga ang isang yun dahil siya ay isang Canceller. Wala siyang magiging laban sa mga pisikal na pag atake kaya ginagamit niya ang mga undead para sa kanyang advantage."

Forlorn Madness 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon