44th Madness

2K 58 2
                                    

Hio's POV

Fwahaha~ Jinojoke ko lang si Kape. Ang lakas niya kasing mang gudtime eh. Pag ako kausap niya (as Hio) tumutuwid ang dila niya?! Aba'y tangina niya sagad!

Ang totoo niyan nawalan na ako ng access sa dimension point ko kaya stuck in a moment kami dito. Pero pinoprocess ko na ang paraan para makaalis siya. Okay lang sana kung ako lang ang nandito tutal may problema ako kay Senri. Nag aalala ako kay pare kasi baka maipit na naman siya. Speaking of Senri, bigla na lang siyang nawala! Parang ilang segundo lang ako na-idle tinamad na siya agad makipag peptalk sakin. Napakaboring na nilalang.

"Ano man yun?" itinuro niya ang Allegorde castle na nasa ibabaw ng isang talampas. Sadyang doon ipinatayo sa mataas na lugar ang kastilyo para kahit nasaan ka mang bahagi ng Erdan ay matatanaw mo iyon.

Makatawag pansin sa dilim ng gabi ang sari saring kutitap na nag iilluminate sa kastilyo na parang chandelier. Tanda yun na mayroong nagaganap na kasayahan doon ngayon.

Ehem... Kailangan kong ibahin ang pitch ng boses ko. "Yan ang kastilyo ng Allegorde. Isinunod ang pangalan niyan mula sa apelido ng pamilyang dugong-bughaw na namumuno ngayon sa buong Erdan."

Marami akong alam tungkol sa Erdan. Binasa ko noon ang isinulat ni Orpheus sa kanyang libro mula mismo sa magic circle ng terra nusquam. Matagal na panahon na kasing wala sakin ang true copy ng libro for two major reasons: pinilas pilas ko yun, at nung maalala ko siyang balikan ay di ko na matagpuan. Isa pa, I don't have the luxury to travel back in time para iretrieve ang libro dahil sobrang hirap gawin ng bagay na yun.

Para sa mga di nakakaalam, chambahan ang paglalakbay sa nakaraan. Ang chances ng isang time-traveller na mapadpad sa kailangan niyang timeframe ay 0.00001% lamang. Very RANDOM dre.

Mabalik tayo sa pinagsasabi ko kanina, bukod sa makakabuo ka ng isang magic circle kapag pinagdugtong dugtong ang mga pinilas na pahina, gumamit si Orpheus ng isang ancient writing system upang ikwento ang isang istorya. Nito ko lang natapos basahin ang akda sapagkat kakaaral ko pa lamang sa ispesyal na writing system na exclusive lamang sa Erdan. Hindi na yun nag eexist sa tunay na panahon...

Ang kwento ay tungkol sa dalawang prinsipe at ang tore ng mapagkunwari. Ang isa sa dalawang prinsipe na yun ay may karapatan sa trono, at ang isa ay ipinagkanulo.

Noong unang panahon, hindi magkaanak ang mahal na hari at mahal na reyna. Dahil sa walang tagapagmana ng trono, nanganib ang posisyon ng hari.

Isinangguni nila ang kanilang problema sa orakulo ng Erdan. Ang orakulo ay ang pinakamakapangyarihang Alkemiko sa buong kaharian na gumagabay sa namumuno.

Maraming nagsasabi na natuklasan na niyon kung paano gagawing ginto ang anumang bagay na solido at kung paano lulunasan ang lahat ng karamdaman. May mga sabi sabi rin na siya ay imortal pagkat hindi siya tumatanda? walang makapagpatunay nun nang direkta sapagkat nakakubli ang mukha ng orakulo kapag humaharap sa madla.

Malugod na dininig ng orakulo ang problema ng mag-asawa. Mayroon siyang inihandang gamot para inumin ng reyna at sinabi niya ditong?

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon