56th Madness

1.9K 54 2
                                    

Shall's POV

Ang baby ko... Hindi maaari ito! Kung nakinig sana sakin si Hio na ipakasal na ang mga anak namin, di sana hahantong ang lahat sa kapahamakan ng aming anak!

Ang sakit pala sa ulo kapag nagmana sayo ng kagandahan ang anak mo... talagang pag aagawan!

"Antigone? Gumising ka... nandito na si mama?" niyugyog ko siya tas tinapik tapik. Ayaw niyang magising.

Kahit gaano pa kalakas na pwersa ang gamitin ko para ihiwalay siya sa binata ay balewala. Ibinubuklod silang dalawa ng isang napakalakas na sumpa.

Ngunit bakit dito pa sa lugar na ito? Alam naman siguro ng binata na mapanganib dito dahil nagkalat ang mga undead?

Unless balak nga talaga niyang abandonahin na nila nang tuluyan ang pisikal na mundo...

HINDI AKO PAPAYAG! Akin ang anak ko at walang sinuman ang maaaring maglayo sa kanya!

Hinawakan ko ang dalawang walang malay na katawan. Isasama ko sila pabalik sa mansyon at saka ako iisip ng paraan para iligtas si Antigone.

****

 

Senri's POV

Ang isang laberinto ng mga bangungot ay maihahalintulad sa pinakailalim na bahagi ng impyerno ayon sa mito; subalit wala pa namang nakakapagbigay ng eksaktong paglalarawan kung ano ang makikita doon. Kung meron man kasing nahuhulog doon ay hinding hindi na nakakaahon pa magpakailanman...

Alam kong doon itinatago ang aking pinakamamahal ng isang nilalang. Buong akala ko ay kontrolado ko ang sitwasyon ngunit heto't may nakasalisi pala sa akin.

Magkagayunman, malaki ang tiwala ko sa aking kakayahan. Pasasaan at makikilala rin ako ng lahat bilang pinakamakapangyarihang nilalang na naging eksistensyal sa oras na mapasaakin na ang aking pinakamamahal.

Hinanap ko ang laberinto na pag aari ng walangyang illusion master na tumangay sa kanya. Ang laberintong yun ay isa lamang espasyo ng kadiliman na ang sahig ay mga pinagtagping parisukat na ang kulay ay puti at itim. Pababa ang sahig hanggang sa pinakagitna kung nasaan ang isang butas na walang nakakaalam kung saan ka ibabagsak sa sandaling mahulog ka doon.

Mayroong mga kundisyon at pagsubok para mapasok ang diwa ng isang maestro ng ilusyon. Ang una ay ang pasubok ng tiwala.

Magtitiwala ka ba sa kanya o hindi? Malalansi ka ba kapag pinagkatiwalaan mo siya o malalansi ka ng sarili mong kawalang tiwala?

Isa isang naglalaho ang mga parisukat na sahig. Nauna ang kulay itim, sunod ay puti...

Hinihingi ng sitwasyon na mamili ako. Ang magpatihulog sa nawawalang sahig, o ang magpatihulog sa pinakagitnang butas.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon