Aster's POV
"—Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?"
May lumapit saking isang binibini. She looks like a fairy despite of her mask na . At napakaweird lang. Siya ang lumapit tas siya pa ang naunang magtanong sakin ng pangalan ko? Like a boss?
"Hans Aster Darktower." I was a Vral but I insist to use my REAL surname.
"—Alam mo bang paborito kong bulaklak ang Aster? Marami kasi nun sa hometown ko sa Eastern Europe..." shit. Alam niyang mambola ng lalake. Nagcurtsy siya sa harap ko bago muling nagsalita. "Ang pangalan ko ay Cassiopeia Ellis. Ikinagagalak kitang makilala."
Ginagap ko ang kanyang isang kamay tapos ay humalik sa likod ng palad niyon. "Cassiopeia? Napakagandang pangalan ng isinunod sa isang reyna ng mitolohiyang Griyego." kinikilabutan ako sa sarili ko. Fuck me kapag narinig to ni Kan at Fait!
Na-fascinate yata siya sa mga pinagsasabi ko. She even clipped a portion of her hair behind her ears. "Maaari mo pa ba akong kwentuhan ng tungkol sa aking pangalan?"
REALLY! NO FUCKING WAY! THIS IS BOOOOOORING! "Kakaunti lang ang nalalaman ko. Like, Cassiopeia was also one of the 48 constellations na inilista ng isang Greek astrologer na si Ptolemy at magpahanggang ngayon ay recognizable pa ri—"
She starts to laugh in a 'lady-manner'. "Gumagamit ka ng dalawang lenggwahe sa pagsasalita! Nakakamangha!"
I smiled, and oh I forgot, hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya. If ever I let go of her hand, it means 'wait for another one'. Right now, interesado naman ako sa kanya,
kaya patagalin pa natin ito—
"Nasanay lang. Iba na ang panahon ngayon. Ang wika ay arbitraryo hindi ba? As far as I know, wala tayong sinusunod na batayan sa paggamit ng wika."
Tinanguan lang niya ako bago siya bumaling sa kanyang kamay na hawak ko pa rin. "Ang kamay ko—"
My hand slipped from her hand, into her wrist. "Paano kung ayaw ko pang bitawan?"
"—Wala akong sinasabing bitawan mo ang aking kamay. Hindi mo naman kasi ako pinatapos sa nais kong sabihin. Itatanong ko lang sana kung bakit ayaw mong bitawan ang kamay ko?"
We heard a snap before I got a chance to answer at pagkatapos ay isa isa nang nagsipaglingunan ang mga bampira dito sa kinaroroonan namin. Bumalik na si Papa at palapit na siya ngayon samin. Akay akay niya si Cerylle. She's a head-turner too. But let's see how mama will react to this. Selosa pa naman yun.
I watched Cerylle in the corner of my eyes. What's the face behind her mask? And why the hell do I care?!
Huminto sila sa harap namin. Bumitaw siya kay Cerylle tas hinawakan niya ang kamay ni Cassiopeia. Iniayos niya yun para nakahawak sa wrist ko naman.
"Ako si Henna Iryl Darktower, ang kasalukuyang master ng Rose Mansion, at ang ama ng binatang kaharap mo ngayon. Siguro ay alam mo na at naiintindihan mo kung para saan ang ritwal na ito. Ipapaalala ko lamang na kapag naisakatuparan na, hinding hindi na ito mababawi pa. Sa ngayon ay may sapat na panahon ka para mag-isip. Maaari mong tanggihan ang aking anak basta iyong naisin."
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampireThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba