9th Madness

2.1K 80 13
                                        

Kan's POV

Ang Slenderman ay isang slang term para sa kapangyarihang nag-originate pa sa ibang dimension.

Sinusundan nila ang mga nilalang na tingin nila ay pwedeng gawing container.

Isa... Dalawa... Tatlo!

BAAANG!

Sinalpok ni Slenderman ang aking force field barrier. Nagkaroon ng reaction na hindi ko maipaliwanag, plus parang dinedrain ang kapangyarihan ko! Para siyang bading na 

nanghihigop ng lakas.

I spewed blood.

"Kan?! Hindi mo na kaya?!" nag-aalalang tanong ni Farfait. Constricted ang jaw niya. Malamang nahihirapan na rin siyang i-keep up ang paggamit niya ng illusion.

Hindi kami yung combat-type eh. We always rely on Aster pero siya pa ang naunang natumba. Kung di ba naman kami inabot ng sunod sunod na kamalasan.

Dinura ko yung tirang dugo sa bibig ko. "Kaya pa! Wala pa ako sa limit ko no?"

Sagad na ako actually, pero kailangan kong palakasin ang loob ni Farfait.

Dumukwang ako sa ibaba ng stage. Nagulat ako nung may infected na palang nakalapit kay Aster! Malapit na siyang i-mucho—

BANG!

Na-headshot yung infected. Si Cerylle yung nagpaputok gamit yung handgun na pag-aari ng isa sa mga security personnel na pawang mga undead na ngayon.

Maliit na lang ang barrier ko. Ma-hahassle pa sila pag aakyat pa ng hagdan.

Kahit hinaharang ko pa rin ang intrusion ng Slenderman, gumamit ako ng telekenesis. Pinalutang ko si Cerylle at si Aster paakyat ng stage.

"WHOA ANG GALING!" Cerylle, hindi ito ang oras para ma-amaze.

"Isipin na natin kung paano tayo tatakas. Hindi uubrang nandito lang tayo—" sabi ko sa kanila.

"—Kanina habang naliligaw ako, halos napuntahan ko na ang lahat ng sulok. S-sa ilalim nitong stage, may kwarto kaso hindi ko alam kung ano ang nasa loob; pero sure akong mas madaling makarating sa exit kesa pag galing ng backstage! Tapos sa may labas nag-aabang ang limo ko!" biglang umepal yung babaeng nagtrespass kanina sa backstage. Anyway, very nice suggestion.

"Farfait, tuktukin natin tong stage dali!" utos ko.

Nag-stomp kami ni Farfait.

Crank!

Bumigay yung sahig, pero bahagya lang. "Sige pa Farfait—"

Nagcharge ang Slenderman. Nakakainis lang. Hinihigop niya ang kapangyarihan ko tapos ginagamit niya yun para gibain ang depensa ko. Parang ginigisa niya ako sa sarili kong mantika!

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon