Aster's POV
Isang tagasilbing lalake ang inutusan kong bumuhat kay papa tungo sa kanyang silid na ni minsan ay hindi niya tinulugan. Sorry kay papa sa ginawa ko sa kanya. Wala naman akong masamang intensyon; ang gusto ko lang ay makapagpahinga siya ng dire direcho kaya pinatulog ko na siya ng tuluyan.
Umuwi siya ng bahay na may kasamang babae na kinausap ko habang natutulog siya. Nagpakilala ang babae na si Ivy Loraine. Naupo siya sa may armchair. Bago yun ay kinuha niya ang embroidery ni mama na nasa dresser at siya na ang nagpatuloy nun.
I don't quite understand her nature, yet I thought I knew her for so long. Nagkaroon ako ng di maipaliwanag na bloodrush nung mapatingin ako sa mga mata niya. Baka nag aassume lang ako ng random things dahil sa parehong pareho ang kulay n gaming mga mata.
Alam kong wala akong hiya pero hindi ako makapagtanong sa kanya ng maayos. Napapatanga ako sa kanya kahit sobrang nakakaumay na para sakin na tumingin sa mga magaganda. Just wait till mama sees her... tiyak na gulo yun! Heheh!
Pero mukhang may gulo na nga. Nabanggit kasi ni Ivy na ang pangunahing sanhi ng frustrations ngayon ni papa ay dahil nakipaghiwalay na sa kanya si mama. Syempre ang hirap paniwalaan nun. Napaka-untimely naman kasi eh, lalo't kailangan ni Aning ng tulong.
Pasensya na ngunit kailangan ko na talaga itong itanong- "Excuse me. Ikaw bang sumira sa pamilya namin? Matagal na ba kayong may inililihim na relasyon ng aking ama? Nagsasawa ka na bang maging number 2 lang kaya sumugod ka ditto at nagtapat kay mama?"
Kakampi ako ni papa kahit anong mangyari. Naiintindihan kong mahina rin siya paminsan minsan. I really knew it... Women are major pain in the ass!
TAWA ang isinagot ni Ivy sa napakarami kong tanong.
"Anong nakakatawa?"
Napawi ang bakas ng tawa sa kanyang mukha pagkatapos ko siyang titigan ng masama. "Hindi ko gustong maging ganyan ka..."
She talks as if she knew me well. "Bakit ganyan ka magsalita? Close ba tayo?"
"-Paano kung sabihin ko sayong ako ang iyong tunay na ina?"
Ang aking tunay na ina?
Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla.Paano niya nalaman ang- GANUN NA BA KALALIM ANG RELAYSON NILA NI PAPA KAYA'T ANG DAMI NA NIYANG ALAM?!
"Haha! Ikaw naman... masyado kang seryoso! Binibiro lang kita!"
Tumayo ako ng wheelchair. Diniinan ko ang kanyang balikat. "HINDI AKO NAKIKIPAGBIRUAN SAYO! AYUSIN MO ANG PANANALITA MO DAHIL PAMAMAHAY KO RIN ITO!"
"Subukan mo kung masasaktan mo ako Aster..."
Mas lalo kong diniinan ang balikat niya. Gusto ko siyang durugin sa mga oras na ito ngunit may parang pumipigil sakin na gawin yun!
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampireThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba