Kan's POV
Nagpalit ang kulay ng mga mata ko; na kasing tingkad ng ginto.
Kruugg...
Walang anu ano'y bumaon ang mga paa ni Aster sa konkretong kalsada na kinatutuntungan niya ngayon—
Dinagit siya ng hindi nakikitang pwersa kaya naman nakaladkad siya tungo sa matutumbang building.
BADOOM!
FINISHING! Dinaganan siya ng isang 30-storey building!
"ASTER NARIRINIG MO BA AKO?! H-HINDI KITA TITIGILAN HANGGAT HINDI MO TINATANGGAL ANG MGA ABNORMAL NA KAMAY NA TO!" sigaw ko. I'm dead serious.
—At kailangan na niyang bumalik sa huwisyo dahil baka ako naman ang mawalan ng kontrol. I hate how our powers fuck with us sometimes.
BOOG—!
Tumilapon sa gawing kanan ng bumagsak na building ang ilang debris. Initsa lahat yun ni Aster pero nakahiga pa rin siya at mukha siyang asong ulol na naglalaway.
"I'm in control now!" announced niya. "—P-Pero kailangan kong mangagat!"
"I understand. Bago ang lahat, pwede bang tanggalin mo muna tong mga to?" I was referring to the goddamn extra arms. I'm no Buddha for fuck's sake!
He waved his hand then naramdaman ko nang umurong ang mga brasong pinatubo niya sakin. They shrank until completely gone.
"Tumayo ka na diyan. Pumunta tayo ng mansyon ko. Pick up my phase."
Sinimulan ko na ang pagtakbo. We can't do joint teleport at this moment. Wala akong tiwala sa infected instincts nitong si Aster. Baka bigla na lang niya akong kagatin. Kapag hindi siya safe, mas mabuting dumistansya sa kanya.
Swerteng malapit lang ang mansyon ko. Mga isang milya lang. Ginawa naming cranny ang estate ko na yun dito sa Area 1. Protected kasi yun ng dalawang charm na ginawa ng Shielder na ngayon ay inner soul na din ni Aster.
The first charm is an optical illusion that will divert any attacks.
The second charm works really good. Ang lahat ng magtatangkang pumasok ng mansyon na walang kaukulang permiso mula sakin ay mamamatay.
Hindi nakamamatay ang mga charms; ang nakamamatay ay ang hindi pagsunod sa mga patakaran.
When we say cranny, doon nakatago ang mga supplies, ammos, armory na essential sa isang Evil Druid.
Dito kasi sa Area 1, hindi lang sa mga creeps agawan ang mga nagpapatayang ED, agawan din maging sa mga resources. Survival talaga.
Binuksan ko agad ang gate pagdating namin sa estate ko. Nilagpasan ako ni Aster. Tuloy tuloy siyang pumasok. Not a minute had passed, nakarinig ako ng panaghoy na nagmula pa sa underground cell...
![](https://img.wattpad.com/cover/41938478-288-k216973.jpg)
BINABASA MO ANG
Forlorn Madness 2
VampiroThis is Forlorn Madness: Book 2 A Masterpiece by direk_whamba